Sa sobrang lakas ng pag-sabog ay nagulat ang lahat ng nakatira sa Eastshore Village. Agad silang nagsilabasan ng bahay at nagsi-takbuhan papalabas ng lugar. Ang mga pulis at bumbero naman ay kasalukuyang papunta na sa lugar kung saan nasusunog ang Teddy Bear Shop at ang lumang bahay.
Si Vincent naman ay kasalukuyang hinahabol sina Jennica at Lola Gem upang patayin. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kanyang itak. Habang si Guardian naman ay tuluyang nasunog dahil sa napaka lakas ng apoy."Bilisan mo! Tumawag ka na ng tulong sa mga guards!" -Lola Gem
At tuluyan namang tumawag si Jennica. Pero nagulat siya nang malamang hindi na gumagana ang telepono. Inulit pa niya ito pero hindi talaga gumagana.
"LOLA AYAW TALAGA GUMANA!" -Jennica
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" -Lola Gem
Napasigaw ng malakas si Lola Gem nang makita si Vincent sa harapan ng kanilang pintuan. Manlilisik ang mga mata nito at halatang galit na galit. Sa kanyang kaliwang kamay, hawak-hawak niya ang putol na linya ng telepono.
"Hindi na kayo mabubuhay pa!" Sigaw ni Vincent. Nang bigla niyang hinabol ang dalawa. At sa sobrang gulat ni Jennica ay bigla niyang naibato ang telepono kay Vincent! Tinamaan ito sa mukha at biglang nadulas. "LOLA! TAKBO!" nang bigla silang tumakbo papalabas ng bahay. Pero pag-dating nila sa gate ay bigla silang nagulat. Naka-tali ang pintuan at hindi na sila maka-labas pa. Agad na nag-panic ang dalawa. At bigla nilang nakita si Vincent na naglalakad papalapit sa kanila.
Si Jennica ay sobrang takot. Pinilit niyang umisip ng paraan upang matakasan si Vincent. nang bigla siyang nakakita ng mga BATO sa gilid ng gate. "LOLA! BATUHIN NATIN SIYA!" at agad nilang kinuha ang napaka laking mga bato. Pinagbabato nila si VIncent hanggang sa tuluyan itong tinamaan sa ulo. Humandusay ito at nawalan ng malay. "IHA! KAILANGAN NA NATING MAKALABAS DITO!" sigaw ni Lola Gem. "Lola! Yung bolt cutter. Nasa kwarto ko! Kailangan kong kunin para maka-alis na tayo dito!" at nagmadali silang umakyat sa kwarto ni Jennica upang makuha ang bolt cutter.
"Bilisan mo iha!" wika ni Lola Gem habang nagbabantay sa labas ng kwarto ni Jennica. At nagmadali naman si Jennica na kunin ang bolt cutter sa loob ng kanyang drawer. At wala pang ilang segundo ay nakuha na niya ito.
Nagmadali siyang tumayo pero bigla siyang nagulat nang makita ang mga stuffed toys na binili niya kay Vincent noon. Nakatitig ito sa kanya na parang may mga buhay. At sa sobrang pagtataka ni Jennica ay agad niyang kinuha ang gunting at ginupit nito ang tiyan ng isang malaking stuffed toy. At tuluyan siyang nabigla sa nakita niya.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael