MEDYO MINADALI KO LANG PO YUNG UPDATE, SORRY SA MGA TYPO. ENJOY NALANG PO KAYO SA PAG-BABASA! HAHAHA! :---)
_______________________________________
Si Jennica ay naglalakad papunta sa Teddy Shop nang nakasalubong niya ang mga police cars na paikot-ikot sa kanilang lugar. Sinisigurado ng mga ito na maging maayos na ang lahat at hindi na mauulit ang nangyari kung saan napaka daming tao ang namatay. Maya-maya lamang ay nakarating na siya sa Teddy Bear Shop. Nanibago si Jennica dahil may isang bagay siyang napansin nang pumasok siya sa loob, hindi na malamig ang aircon. Tumingin siya sa paligid at napansin niya na walang bagong tindi si Ivan. Mas kumonti na rin ang mga customers nito kung ikukumpara noon. Napatingin siya sa cashier at may nanibago siya sa nakita niya. Hindi si Ivan ang nagtitinda, kundi isang napaka gandang babae. Nilapitan niya ito at tinanong, "Hello. Nasaan na si Ivan?" tanong ni Jennica sa babae. "Uhm. Nandon po siya sa bodega. Actually bago lang ako dito. Kaka-hire lang ni Sir Ivan sakin kanina. Medyo nahihirapan na rin daw kasi siya mag-bantay dito sa shop dahil medyo magiging busy daw siya latety ehh." sagot ng napaka gandang babae. Tinignan ni Jennica ang name tag neto at nagandahan siya sa pangalan. Siya si Crystal. "Ahh. Pansin ko lang, wala pa kayong bagong tinitinda ahh." wika ni Jennica. "Hindi pa raw po kasi dumadating yung mga bagong orders ehh. Hindi nga sakin sinasabi ni Sir Ivan kung saan siya umo-order ng mga stuffed toys. Napaka strict kasi niya eh." At habang nag-sasalita si Crystal ay biglang lumabas si Ivan mula sa bodega. Agad siyang nagulat nang makita niya si Jennica. "Ohh. Hi Jennica. Nandito ka pala." wika ni Ivan, pero biglang nagtaka si Jennica. Paano siya nakilala ni Ivan? "Bakit kilala mo 'ko? Hindi ko pa napapakilala yung sarili ko sayo ahh." nanlaki ang mata ni Ivan at bigla siyang nanahimik, nag-isip siya ng kahit anong paraan para masagot ang tanong ni Jennica "Ahh... uhm... nakita ko lang sa News. Na-mention ka kasi ng mga repoters ehh." at tuluyan nang nakahinga ng maluwag si Ivan. "Ang ganda ng mga nabili kong stuffed toys. Palagi ko silang tinitignan bago ako matulog, sana mag-tinda ka pa ng marami ahh..." agad namang sumagot si Ivan "Oo naman. Parating na yung mga susunod na batch, medyo na-delayed lang dahil may conflict na nangyari." mabilis na isinagot ni Ivan. "Ahh sana dumating na agad sila, excited na 'kong bumili ng mga bago ehh. Hahaha!" Winika ni Jennica habang tumatawa.
"PAANO AKO MAKAKAPAG-TINDA NG BAGO EHH WALA PA AKONG MA-BIKTIMA! HAYOP KASI YANG LOLA MO EHH. DAPAT ISA NA SIYA SA MGA NAKA-DISPLAY DITO. NAKO TALAGA!" Wika ni Ivan ka kanyang isipan habang naka-titig ng malalim kay Jennica. At habang nag-uusap silang dalawa ay napag-desisyunan ni Crystal na pumunta sa bodega upang kunin ang walis dahil nakakita siya ng alikabok sa ilalim ng cashier, nakita siya ni Ivan at bigla niya itong sinuway. "Pssttt. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bawal kang pumunta diyan! DITO KA LANG!" agad namang sumagot si Crystal "Ay sorry po sir. Hindi na po mauulit. Sorry talaga." Napa-yuko si Crystal at muli itong bumalik sa cashier. Muling tumingin si Ivan kay Jennica at nag-salita "Pagpasensyahan mo na si Crystal ahh. Bago lang kasi ehh."
At habang naka-titig si Jennica kay Ivan ay bigla itong may napansin. Kulang ng isang butones ang suot na damit ni Ivan. Nag-taka si Jennica at biglang napa-isip at hindi niya napigilang mag-salita. "Yung butones mo ohh... Kulang." napa-tingin si Ivan ka sa kanyang damit at hindi na siya nagulat sa kanyang nakita. "Ahh. Sorry ah. Hindi pa kasi ako nakaka-bili ng bago 'kong damit ehh." At may isang bagay ang biglang napansin si Jennica. Ang itsura ng mga butones. Katulad ng nakita nito habang kumukuha ng tubig para sa kanyang lola. Hindi na lamang nagsalita si Jennica pero nalilito siya sa mga naiisip niya. "Sige Ivan. Babalik nalang ako kapag may bago ka nang tinda. Sana dumating na agad yung mga bagong stuffed toys." At tuluyan nang lumabas si Jennica sa Teddy Bear Shop. Binilisan nitong maglakad pabalik sa kanyang bahay at si Ivan naman ay pinag-mamasdan siya habang papalayo na si Jennica. "Parang may kakaiba sa babaeng 'yon? Hindi kaya nakakahalata na siya? Pero paano?" bulong ni Ivan sa kanyang sarili.
Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ni Jennica habang naglalakad. "SI Ivan?? Paano napunta yung isang butones sa loob ng bahay namin? Hindi kaya..." nang bigla niyang narinig na sumisigaw ang kanyang lola sa loob ng bahay! Nagulat si Jennica at nagmadaling tumakbo sa loob upang tignan ang nangyayari kay Lola Gem. "Lola! Bakit ka sumisigaw?" walang napansing kakaiba si Jennica kundi ang kanyang Lola na mag-isa lamang. "IHA! KUKUNIN NIYA ULIT AKO! KUKUNIN NIYA ULIT AKO! WAG MO AKONG IIWAN MAG-ISA DITO!" Agad na lumapit si Jennica at niyakap niya si Lola Gem. "Lola... Hindi kita iiwan. Saka wag kang mag-alala. Maraming pulis na paikot-ikot sa lugar natin. Hindi kita hahayaang makuha ulit ng taong 'yon!"
---
Kinagabihan, si Jennica ay napagdesisyunan na matulog sa tabi ng kanyang lola. May trauma pa rin kasi ito matapos ng mga pangyayaring nasaksihan ng matanda. Unti-unting dumadating araw kung saan iiwan na nina Jennica ang Eastshore Village. Pumikit siya at tuluyan nang natulog. At sa kabilang bahagi ng kalsada ay naka-tayo si Ivan at pinagmamasdan ang bahay ni Jennica. "Hindi ako papayag na ikaw ang sisira sa plano ko. Dapat mapa-tahimik na kita. Alam kong may nahahalata ka na sakin. At hindi ako papayag na malaman ng lahat na ako si Vincent."
Biglang naalala ni Ivan ang mga pangyayari kung saan dapat papatayin na niya si Jennica. Habang bumabagyo ng napaka-lakas, nakita ni Ivan mula sa kanyang lumang bahay na tumatakbosi Jennica pabalik sa bahay nito, nilipad ang kanyang payong at tuluyan nang nabasa ng ulan. Kumakatok ito upang makapasok nang biglang sumugod si Ivan na may dalang baseball bat, pero nang hahampasin na niya si Jennica ay biglang bumagsak ang napaka-taas na puno at sa sobrang gulat niya ay bigla siyang nadulas. Tumama ang kanyang tuhod sa bato at nahirapang mag-lakad, at bigla siyang napa-mura! "TANG INANG PUNO TO EHH! SAGABAL SA MGA PLANO KO!" at tuluyan nang isinara ni Jennica ang pintuan. Si Ivan ay ay nagalit at hindi natuloy ang kanyang plano na kunin si Jennica. Kaya sa sobrang inis nito ay pinag-hahampas na lamang niya ang pintuan.
---
1 WEEK LATER
October 28, 2014
Lumipas ang isang linggo at mukhang bumalik na sa normal ang lahat, maayos na si Lola Gem at wala na ring mga nawawala at namamatay. Mas naging kampante ang mga residente ng Eastshore Village at sa tingin nila... Wala silang dapat pang ikatakot.
At malapit nang dumating ang pinaka-inaantay ng lahat ng mamamayan ng Eastshore Village, ang HALLOWEEN. Kung saan ang mga tao mula sa labas ng Village ay pinapayagang pumasok sa Eastshore upang mag trick or treat. At ang hindi nila alam ay may kakaibang binabalak nanaman si Vincent na siguradong ikakagulat nilang lahat...
![](https://img.wattpad.com/cover/24514733-288-k575781.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael