FINALE

1.4K 45 22
                                    

*le cries* Maraming salamat po sa mga nag-basa ng story ko na 'to. Sobrang tagal ng update. Hahahaha! Sorry po, naabutan kasi ako ng back to school eh. BTW. Tama na ang drama XD. Eto na po ang pinaka huling chapter ng STUFFED INSIDE. 
Sana subaybayan niyo yung next story ko. Entitled *Beautiful Tears*. Malapit ko nang ipost dito sa wattpad.  ^_^ *bows*

_________

Nagulat si Lola Gem sa nakita niya. Hindi siya makapaniwala. Maging ang ibang mga pulis ay hindi makapag salita dahil sa sobrang gulat. Nakita nila si Jennica na naka sabit sa isang sanga ng puno. Umiiyak ito at mukhang nahihirapan na. Habang naka-kapit ito sa sanga ay may isang bagay pang napansin ang mga pulis. Si VINCENT! Siya ay naka hawak sa mga tuhod ni Jennica. "Iha. Iha!!! Kumapit ka lang diyan! Tutulungan ka namin!" sigaw ni Lola Gem. Agad namang sumigaw si Vincent. "HINDI AKO PAPAYAG NA MABUHAY PA SIYA! DAPAT AY SABAY KAMING MAMATAYYYY!" Napa-pikit si Jennica. Indikasyon na sobra na siyang nahihirapan. 

Maya-maya lamang ay may isang sasakyan na dumating. Napa lingon si Lola Gem at nakita niya ang kanyang anak. Si Kevin. "Anak!!!" agad naman itong niyakap ni Lola Gem. Hindi na nakapag salita pa si Kevin at agad siyang nag tungo sa gilid ng bangin. Nakita niya si Jennica at Vincent.

"Papa?! PAPA! Nahihirapan na 'ko dito. Tulungan mo 'ko please..." Sigaw ni Jennica habang umiiyak. "Tutulungan kita anak. Wag kang mag-alala! HINDI NA KITA IIWAN PA!" At narinig naman ni Vincent ang lahat ng kanilang pinag-uusapan. "ANG KAPAL NANG MUKHA MONG BUMALIK PA DITO MATAPOS AKONG IWAN!" Nagulat naman si Kevin nang makita ang ipinagbago ng itsura ni Vincent. "Papa! Mamamatay tao siya. Isa siyang baliw!" wika ni Jennica. Nanlaki ang mga mata ni Kevin at hindi siya makapaniwala. Agad namang sumagot si Vincent "HINDI AKO MAMAMATAY! Matapos kong patayin si Jennica, ikaw naman ang isusunod ko!!!!!"

Nang biglang bumitaw ang isang kamay ni Jennica. Napasigaw ang lahat ng mga naka-kita. Si Lola Gem naman ay biglang hinimatay. "PAPA! NAHIHIRAPAN NA 'KO! ISA NALANG ANG TANGING PARAAN!" sigaw ni Jennica. "HINDI! WAG MONG ITULOY YAN ANAK! HINDI KITA PAPABAYAAN! HINDI NA KITA MULING IIWAN!" Bigla namang natawa si Vincent. "Hahahaha Nakaka touch naman kayong mag-ama. Pero mukhang huli na 'to. Mamamatay na si Jennica. Hahahaha!" Sa pag-kakataong ito, mas lalo nang lumabas ang pagka-baliw ni Vincent. Tumatawa na siya kahit walang sapat na dahilan. 

Unti-unting natatanggal ang bawat daliri ni Jennica. Nadudulas na  ito at anumang oras ay pwede na siyang mahulog kasama ni Vincent. Pero bigla itong naka-isip ng paraan. Tinitigan niya si Vincent. Muli niyang ibinalik ang isa niyang kamay na pagkaka-hawak... at bigla niyang naalala si Luhan. "Si Luhan... Para kay LUHAN! HINDI AKO MAMAMATAY!" bulong niya. Bigla niyang inalog ang kanyang mga tuhod baka sakaling bumitaw na si Vincent. "ANONG GINAGAWA MO?" wika ni Vincent. "HAYOP KA! WALA AKONG KAPATID NA KATULAD MO! ANG DAPAT SAYO, NABABAGAY SA IMPYERNO!" Nang biglang natanggal ang isang kamay ni Vincent sa pagkaka-hawak. Ang mga pulis naman at si Kevin ay walang magawa kundi manood na lamang. Nakasalalay na ang lahat kay Jennica. "HINDI ITO MAAARI! HINDI MO AKO MAPAPATAY!" sigaw ni Vincent. 

"Wala akong pakielam sayo. TANG INA MO!!!!" At biglang tinadyakan ni Jennica ang ulo ni Vincent

.

At tuluyan na itong bumitaw kay Jennica. "HINDEEEEE!" sigaw ni Vincent!

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon