Chapter 1 - Beginning

3K 60 6
  • Dedicated kay Moon Wilmalene Casingal Bael
                                    

Ngayong 2014. Nakalimutan na rin ng halos lahat ng mga tao ang kasamaang ginawa ni Vincent. Pero hanggang sa mga panahong ito ay hindi pa rin siya nakikita. May mga nagsasabing siya ay namatay na. At ang iilan naman ay naniniwalang siya ay buhay at pagala-gala. Maaaring nagpapahinga lamang siya at pagdating ng tamang panahon, siya ay muling babalik upang gumanti sa mga may kasalanan sa kanya.

"Ang corny mo naman lola!" Hirit ni Jennica sa kanyang Lola. "Yung mga kinukwento mong horror stories sakin ehhh... NAPAKA IMPOSIBLE! Kung matagal nang wala si Vincent. Ehh bakit pa siya gaganti? Malay mo nag-bagong buhay na siya. Baka nga nakita ko na yun sa personal ehh. Pwede ring nandito lang din yun nakatira sa Village natin." Muli niyang sinabi. 

Si Jennica ay 19 Years Old, katulad ng ibang pangkaraniwang teenager, makulit din siya at palaging umuuwi ng gabi. Siya ay nasa kolehiyo na. Kasama niyang namumuhay ang kanyang lola na si Gem. Dahil ang kanyang mga magulang ay nasa ibang bansa upang mag-trabaho. SIya ay medyo payat at mahaba ang kanyang buhok, mistisa ang kanyang balat at maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya. Pero lahat ng mga ito ay binusted niya.

Hindi pa siya handang magkaroon ng boyfriend. Bukod sa maganda si Jennica ay matalino rin siya. Palagi siyang may Top sa kanilang klase. Masaya na siya kahit na ang palagi niya lamang kasama ay ang kanyang Lola.

PERO BIGLANG NAGULAT SA TUWA SI JENNICA NG MALAMAN NIYA ANG BALITA NG KANYANG LOLA.

"Iha. Tuloy na tayo...." Wika ng kanyang Lola. "Huh? Anong tuloy?" Hindi maisip ni Jennica ang gustong sabihin ng kanyang Lola na si Gem.

"Tuloy na ang paglipat natin ng bahay. Aalis na tayo na lugar na 'to at pupunta na tayo sa Eastshore Village."

"Ano? EASTSHORE VILLAGE?" Nagulat si Jennica ng marinig niya ang kanyang lola na sinabi ang pangalan ng lugar na kanilang lilipatan.

"Oo. Tama ka, sa EASTSHORE VILLAGE na tayo titira." Sagot ng kanyang Lola.

Ang Eastshore Village ang pinakamagandang Village sa buong siyudad. Halos mayayaman at sikat ang mga nakatira sa lugar na iyon. May mga artista, politiko, at ang pinaka paborito sa lahat ni Jennica... Mga fashion Models. Agad na nag-search si Jennica sa Google upang alamin kung ano nga ba ang itsura ng Eastshore Village. Pero bigla siyang nagulat na nakita niya...

Ang Eastshore Village pala ang lugar kung saan nangyari ang mga pagpatay ni Vincent. Nakita ni Jennica ang mga pictures ng crime scene, maging ang bangin, playground at ang mismong bahay ni Vincent. Napalunok ng laway si Jennica at bigla siyang kinabahan. Dahil ang bahay na kanilang lilipatan ay katapat lamang ng bahay ni Vincent.

"Sino ba kasi 'tong Vincent na to... Teka mai-google nga." Sa sobrang pagtataka ni Jennica ay hindi na siya nagdalawang isip alamin kung sino at ano nga ba talaga si Vincent.

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon