Chapter 10 - Stuffed Inside

1.7K 46 32
                                    

Kinahapunan, napagdesisyunan ni Jennica na magpunta muna sa Mall bago umuwi galing sa school. Nag text kasi ang Mama at Papa niya na nasa ibang bansa.

______________

Jen, ung perang ipapadala ko, medyo napa-aga. Kunin mo nalang sa ATM mo.  Ingat kayo dyan ni Tita Gem. Love u. Bye :)

______________


Nang nasa ni Jennica ang mensaheng iyon ay hindi siya makapaniwala. Sa susunod na linggo pa dapat kasi ang perang ipapadala, pero dahil sa napa-aga ito... “Sa wakas... mabibili ko na rin ang napaka gandang stuffed toy sa teddy bear shop.” Agad na nag withdraw si Jennica at ang perang nakuha niya ay kaagad niyang inilagay sa kanyang bag.


Agad siyang sumakay ng Bus at tuluyan na siyang umuwi.


Pagka-dating niya sa Pan Pan Teddy Bear Shop ay agad siyang sinalubong ng napaka lamig na aircon at ang may-ari na si Ivan habang naka-ngiti. “Ano miss? Bibilhin mo na ba?” wika ni Ivan. “OO! Gusto ko sila Chinky at Dinky.” Masayang sinabi ni Jennica. At habang nasa cashier na siya ay bigla siyang napa lingon sa bandang kaliwa. “WOW! May bago nanaman kayong tinda?!” Namangha si Jennica sa nakita niya. Isang napaka laking stuffed toy na may suot na damit. Kulay pink ito at may malaking tenga.


Sa sobrang tuwa ni Jennica ay hindi na siya nag-dalawang isip na bilhin ang stuffed toy na ‘yon. “May ma da-dagdag nanaman ako sa mga collection ko...” bulong niya. Napangiti naman si Ivan at ang teddy bear na binili niya ay inilagay sa loob ng kahon. Kinuha ni Jennica ang Push Cart sa labas ng shop at inilagay niya ang mga naglalakihang stuffed toys.


Tinulak niya ang Push Cart hanggang sa umalis na siya, pero habang hindi pa siya nakakalayo ay biglang lumabas si Ivan sa kanyang teddy bear shop at biglang sumigaw.


“THANK YOU AH! WAG KA MAG-ALALA. GAGAWA PA KAMI NG MARAMING TEDDY BEARS PARA SAYO!”


---


“Diyos ko! Nakakapagod! Onti nalang Jennica...” Hingal na hingal na si Jennica habang hinihila niya ang push cart papunta sa kanyang bahay. Nang bigla niyana nadaanan ang bahay ng artistang si Hilary. Wala na ang mga pulis maging ang mga media. Siguro ay napagod na ang mga ito kakahanap kay Hilary.


Habang hinihila pa rin nito ang push cart ay biglang may isang lalaking tumakbo sa kanyang harapan. Biglang napalingon si Jennica pero wala na ang lalaki. “Sino kaya yun... parang nagmamadali ahhh.” Bulong nito.


Sa kabutihang palad ay biglang napadaan si Luhan sa kinaroroonan ni Jennica. Bigla namang tumakbo si Luhan papalapit kay Jennica. “Ohhh! Bakit hindi mo ako tinext? Dapat nagpasundo ka sakin. Ang bigat nito ahh.” Wika ni Luhan. “Ay sorry. Kakapunta ko lang kasi sa Mall. Pinagawa ko kasi kahapon yung Cellphone ko, diba nabasa nung bumagyo. So... ngayon ko lang nakuha. Saka hindi pa ako nakakapag pa load.” Dahilan ni Jennica. Pero may isang bagay na sinabi si Luhan “Ahhh. Ok lang. Tara na, malapit na ring dumilim ohh.”


Naglakad ang dalawa habang nag k-kwentuhan.



“Napaka bigat naman ng mga Box na’to. Sure ka bang teddy bears ang laman nito?” –Luhan

“OO naman. Bakit?  Ano bang akala mo?” –Jennica

“Parang tao kasi ehh... ” –Luhan


Biglang natawa si Jennica sa mga sinabi ni Luhan.  “Ano ka ba. Imposible no. Mabigat lang talaga yang mga teddy bears na yan dahail imported pa yan galing sa America.” Wika ni Jennica. “Ahhh. Kaya naman pala. Sorry naman.” Natawa si Luhan at tumigil na lamang sa pagsasalita. Itinilak niya ang push cart hanggang sa nakarating na sila sa bahay ni Jennica.


“Nandito na pala tayo...” –Luhan


Makalipas ng ilang minuto ay tuluyan nang naipasok ang mga kahon sa loob ng kwarto ni Luhan. Pagod na pagod na ito at sobrang pawis. “Teka lang Luhan. Kukuhanan kita ng tubig.” Bumaba si Jennica papunta sa kusina at kumuha siya nang isang basong tubig. Muli siyang bumalik sa kanyang kwarto at nakita si Luhan pinagmamasdan ang mga School Medals na nakadikit sa pader.


“Buti nalang... tama pala na siya ang minahal ko... maganda na, matalino pa...” –Luhan


Nagpanggap si Jennica na hindi niya narinig ang bagay na iyon at bigla siyang nagsalita. “Eto na yung tubog mo...” wika ni Jennica. Nagulat naman si Luhan nag biglang nagsalita si Jennica. “Kanina ka pa ba diyan?” Tanong ni Luhan. “Ahh hindi. Kararating ko na. Sige. Pagabi na rin ohh. Umuwi ka na. Delikado sa labas.” Mabilis na sinabi ni Jennica. Ininom ni Luhan ang tubig at biglang lumapit kay Jennica.



“Thank you ahh.” –Luhan

“Uhmmm. Para saan?” –Jennica

“Para sa tubig...” –Luhan


Ngumiti si Luhan at tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Naiwan naman si Jennica na tulala. Iniisip niya ang bagay na sinabi ni Luhan sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. “Maganda na, matalino pa...” tumatak sa isip ni Jennica ang mga bagay na sinabi ni Luhan.


---


Habang naglalakad si Luhan pauwi ay pinagmamasdan siya ni Vincent. “ Isusunod na kita...” bulong nito.


At agad namang umalis si Vincent. Dahil sira pa rin ang CCTV camera. Agad itong pumasok sa loob ng lumang bahay. Lumingon ito sa buong paligid pero walang nakakakita sa kanya. Pumasok ito sa basement at dumaan sa kweba sa ilalim ng Eatshore Village. Sumisipol pa ito habang hawak-hawak ang susi ng isang pintuan.


Lumipas ang ilang minuto at nakarating na niya ang gitnang bahagi ng kweba. May kwarto kung saan niya tinatanggalan ng mga lamang loob ang mga kinukuha niya. At matapos niyang kunin ang mga bituka ay inilalagay niya ito sa loob ng teddy bear.


Tinatahi niya ito ng napaka-igi at may inilalagay siyang chemical upang hindi mabulok ang lamang loob.


Matapos niyang silipan ang kwarto sa gitnang bahagi ng kweba ay itinuloy na niya ang paglalakad hanggang sa makarating sa dulong bahagi. Meron itong napaka laking bakal na pintuan. Kinuha ni Vincent ang susi at tuluyan niya itong binuksan.


Pumasok siya at naramdaman niya ang napaka lamig na hangin.


Muli niyang isinarado ang napaka laking pintuan at tinakpan niya ito ng napaka taas na cabinet upang walang ibang tao na malakita. Sa loob ng kwartong iyon ay may isang ordinaryong pintuan. Binuksan niya ito at naramdaman niya ang mas malamig na hangin.


Hanggang sa nakarating na siya sa loob ng Teddy Bear Shop... Kinuha ni Vincent ang remote control ng aircon at mas nilamigan pa nito ang buong paligid. Ginagawa niya ito tuwing magsasara upang ma preserve ang mga lamang loob at mga bituka sa loob ng teddy bear.


At isinuot niya ang kanyang I.D. upang hindi makilala ng lahat ang tunay niyang pagka tao...






Dahil si Vincent at si Ivan ay iisa lamang.

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon