Sa araw din na 'yon. Nalaman ni Lola Gem ang nangyari kay Luhan at Jennica sa Mall. Nagulat siya at hindi makapaniwala. Pero nang malaman niyang stable at ligtas na ang kalagayan ni Luhan. Mas nakahinga siya ng maluwag.
"Ikaw iha? Ayos ka lang ba?" Lola Gem
"Oo lola. Wala namang nangyaring masama sakin ehh. Si Luhan lang talaga ang na-hospital dahil sa tindi nang nangyari sa kanya." -Jennica
"UMUWI KA NA DITO BATA KA! Natatakot ako para sayo!" -Lola Gem
"Sige Lola. Pauwi na rin ako. Magpapa-alam lang ako sa Mama ni Luhan." -Jennica
Nang biglang naalala ni Lola Gem ang dapat niyang sabihin kay Jennica, isang napaka halagang balita.
"Oo nga pala iha. Ang mga magulang mo. Uuwi na sila." -Lola Gem
"Talaga Lola? Kelan?" -Jennica
"BUKAS NA BUKAS DIN!" -Lola Gem
Hindi mapigilan ni Jennica ang matuwa. Napalitan ng saya ang kaba at takot sa puso niya. Si Lola Gem naman ay napapa isip kung ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Jennica ang lahat nang inilihim niya dito sa loob ng 19 years...
At tuluyan na silang nagpa-alam sa isa't isa at ibinaba ang telepono.
Si Jennica ay muling bumisita sa kwarto ni Luhan.
"Gagaling ka din. Ipag-darasal kita..." Bulong ni Jennica habang hinahawakan niya ang kamay ni Luhan. At tuluyan nang nagpa-alam kay Camille at umalis sa hospital.
---
Gabi na nang maka labas si Jennica sa Hospital. Hindi niya inaasahan na sobrang tagal na pala niyang nanatili sa Hospital. At habang naglalakad siya papalayo ay may bigla siyang nakasalubong sa labas ng hospital.
Si Ivan.
"Ohh. Bakit ka nandito Ivan?" -Jennica
"Uhhmmmm. Gusto ko lang sanang mangamusta. Nakita ko yung nangyaring pag-sabog sa mall. Si Luhan kamusta na siya? Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon." -Ivan
"Ahhh. Si Luhan. Okay na siya ngayon. Kaso comatose pa rin siya at kailangang magpahinga. Sabi ng doktor, ngayong linggo din daw magigising si Luhan. Kaya wag ka nang kabahan." -Jennica
![](https://img.wattpad.com/cover/24514733-288-k575781.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael