Si Luhan ay kasalukuyang hindi maka hinga. Nanginginig ang kanyang mga kamay at tila nag aagaw buhay na. Umakyat si Vincent sa kama ni Luhan at mas diniinan pa nito ang pag pag kaka dikit ng unan sa mukha. Nang biglang pumasok si Camille sa kwarto. Nakita niya ang mukha ni Vincent na walang maskara. At sa sobrang gulat nito ay napa sigaw siya ng napaka lakas. "AHHHHHHHHHHHHHHH! TULONG! MAY PUMAPATAY SA ANAK KO!". Hindi naman inaasahan ni Vincent na makikita siya ni Camille. At sa sobrang taranta nito ay bigla siyang natigil sa planong pag patay kay Luhan. Nag-isip agad si Vincent ng paraan upang hindi makatakas sa loob ng kwarto si Camille. Agad niyang kinuha ang flower vase sa gilid ng kama at ibinato niya ito kay Camille. Tinamaan ito sa tuhod at biglang nadapa. Agad namang dumating sa kwarto ang ibang mga doktor at pulis. Nakita nila si Vincent na walang suot na maskara. "SUMUKO KA NA!" sigaw ng isang pulis habang naka tutok ang baril kay Vincent. At sa sobrang kaba ni Vincent ay bigla siyang pinag pawisan. nag isip pa rin siya ng paraan upang hindi siya mahuli ng mga pulis. "HINDI NIYO AKO MAHUHULI!" sigaw ni Vincent. At tuluyan siyang binaril ng isang pulis. Tinamaan siya sa tagiliran at biglang napa luhod sa sobrang sakit. "AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Pero pinilit niyang bumangon at napag isip niya na hindi dapat siya mahuli ng mga pulis. Unti-unti nang lumalapit ang mga pulis sa kanya nang bigla siyang napa tingin sa kanyang likuran. Isang napaka laking bintana. Meron itong isang salamin. Agad na kinuha ni Vincent ang unan at ang isa pang flower vase. Ibinato niya ito sa bintana at tuluyang nabasag ang napaka laking salamin. At sa sobrang gulat ng mga pulis ay bigla silang npa atras. Agad na niyakap ni Vincent ang unan at bigla siyang tumalon dito.
Agad siyang bumagsak sa isang truck na puno ng basura galing sa hospital. Napa tingin ang mga pulis at pinag babaril nila si Vincent. Ang mga ibang tao naman sa baba ng hospital ay biglang napa takbo papalayo sa truck dahil sa sobrang gulat. "TEKA! ITIGIL NIYO ANG PAGPAPA-PUTOK. BAKA MAY MADAMAY!" at tuluyan nga nilang itinigil ang pagbaril kay Vincent. Agad itong bumangon sa napaka daming basura agad na bumangon. Punong puno ng dugo ang kanyang tagiliran. Nagmadali siyang tumakas bago pa siya mahuli. "OYY OYY! TUMATAKAS! HABULIN NIYO SIYA DALI!".
Si Vincent ay kasalukuyang tumatakas. Nanghihina siya at tila hihimatayin. Nag punta siya sa gilid ng kalsada at tumakbo sa gubat. Napaka dilim sa lugar na 'yon at hindi alam ni Vincent kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. Habang naglalakad siya ay bigla niyang natapakan at isang napaka lambot na lupa. Nadulas siya dito at tuluyang gumulong patungo sa ilalim ng bangin. At sa pinaka baba ay may isang ilog. Tuluyan siyang nahulog dito. Inagos siya hanggang sa hindi na natagpuan pa.
---
BREAKING NEWS
"Isang tangkang pag paslang sa isang lalaking nakaratay sa Hospital ang napigilan. Ang suspect ay kasalukuyang pinag hahanap. Ang mga helicopters at sasakyan ng mga pulis ay kasalukuyan paring hinahanap ang kriminal. Ang magulang naman ng biktima ay ligtas. Nakita nito kung sino ang taong may balak pumatay sa kanyang anak. At ang artist sketch ay inilabas na ng mga pulis."
Si Jennica ay kasalukuyang natutulog nang mangyari ang tangkang pagpatay kay Luhan. Tinatawagan siya ni Camille pero hindi niya ito sinasagaot dahil naka silent mode ito. Si Vincent naman ay hindi parin nakikita.
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael