Chapter 9 - Vincent's Revenge

1.4K 41 12
                                    

1998

Habang naglalakad si Eddmar pauwi galing sa kanyang school ay biglang sumulpot si Vincent sa kanyang harapan. "Ohhh. Lumayas ka sa harapan kong panget ka!" sigaw ni Eddmar.

"Tara sa bahay ko. May ipapakita ako sayo. Wag na tayo mag-away." Wika ni Vincent

Napangiti naman si Eddmar at sumama na siya kay Vincent. "Mabait naman talaga ako ehh. Sorry kung binully kita ah. Hindi ko na uulitin yon." Wika ni Eddmar. "OO. Wala na sakin yun." mahinang sinabi ni Vincent. At tuluyan silang pumasok sa loob ng bahay ni Vincent.

"Tara dito. May ipapakita ako sayo."-Vincent

"Ano ba yun?" -Eddmar

"Basta. Tara dito sa kusina. Magugustuhan mo to." -Vincent

Agad naman lumapit si Eddmar kay Vincent. NAGULAT SIYA NANG MAKITA ANG BANGKAY NG TITA NI VINCENT.

"Ano... ano... to...?" Nanginginig ang boses ni Eddmar habang kinakausap niya si Vincent. Nakita nito ang duguang katawan ni tita ni Vincent. "Yan ang tita ko... Pinatay ko siya matapos niya akong pagalitan. At kasalanan mo to..." Wika ni Vincent habang ngumingiti. Kinuha niya ang martilyo sa lamesa at bigla niyang sinugod si Eddmar.

Napa-upo na lamang si Eddmar at agad na tumama ang martilyo sa ulo nito. Kinuha niya ang lagari sa ilalim ng cabinet at agad na pinugutan ng ulo si Eddmar. Lumingon siya sa paligid at nakita niya ang napaka laking stuffed toy sa upuan. Kinuha niya ito at tinanggalan din ng ulo. Iniligay niya ito sa leeg ni Eddmar at itinahi niya ito hanggang sa dumikit.

Kina-gabihan, isinilid ni Vincent ang katawan ni Eddmar sa sako. Lumabas siya ng bahay at hinila niya ang napaka bigat ng katawan ni Eddmar. Dinala niya ito sa gilid ng bangin at tuluyang pinagulong ni Vincent ang bangkay sa pinaka ilalim na bahagi ng bangin.

matapos niyang gawin ang bagay na iyon ay muli siyang bumalik sa kanyang bahay. Kinuha niya ang kanyang mga damit, inilagay niya ito sa isang bag at tuluyang umalis sa Eastshore Village.

At makalipas ng tatlong araw ay may isang matandang lalaki na bumisita sa bahay ni VIncent. "Tao po... Pwede po ba akong humingi ng konting asukal?" Pero nang bigla siyang kumatok ay nagtaka siya nang makitang bukas na pala ang bahay ni Vincent. Pumasok siya at agad na dumeretso sa kusina.

Hanggang sa nakita niya ang nilalangaw na katawan ng tita ni Vincent at ang pugot na ulo ni Eddmar.

Agad siyang lumabas at bumalik sa kanyang bahay. Tumawag siya ng pulis hanggang sa nakita na ng mga ito ang buong insidente. Hinanap nila ang katawan ni Eddmar gamit ang helicopter hanggang sa nakita ito sa pinaka ilalim na bahagi ng bangin.

Pilit nilang hinanap kung nasaan na si Vincent pero hindi na nila ito natagpuan pa.

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon