Si Luhan ay nagmamadaling tumakbo papunta sa bahay ni Jennica. Hindi na siya nag door bell at dire-direso na siyang nag-punta sa pintuan. Kumatok siya at agad naman siyang pinag-buksan ni Jennica. "Ohh. Bakit ka napa-punta Luhan?"
"Nabalitaan mo na ba yung event na mangyayari dito sa Eastshore?" -Luhan
"Ano yun? Anong meron?" -Jennica
"Sa HALLOWEEN! May pa contest yung Super Market sa labas ng Eastshore Village." -Jennica
"Anong pa contest ba yun?" -Luhan
"Sa Halloween. Magkakaroon ng Costume Party. Ang may pinaka magandang costume ang mananalo ng 20 Thousand Pesos." -Luhan
Nagulat si Jennica sa premyo. At bigla siyang napa-isip at parang gusto na niyang sumali. "Paano ba 'ko makakasali diyan, sabihin mo sakin!" agad na tugod ni Jennica. "Kailangan mo lang mag-suot ng costume at pipiliin na nila ang mananalo based sa mga nakita nilang may pinaka magandang suot na costume." Si Jennica ay nag-asam na sumali nang malaman niyang ganon lang kadali ang kanyang gagawin. At bigla niyang naalala na meron siyang costume ng Vampire na isinuot niya noong Halloween Party nila sa school noong 15 pa lamang siya. Nagpaalam na si Luhan at nagmadaling pumunta si Jennica sa Basement. Nagbabakasakali na nasa kahon ang costume na isinuot niya noon. Pero lumipas ang 30 minutes ay hindi pa rin nakikita ni Jennica ang Vampire costume. "LOLA! Asan na ba yung costume ko na sinuot noong 15 pa lang ako!" sigaw ni Jennica. Agad namang sumunod ang kanyang lola sa basement at sinagot nito ang kanyang tanong. "Ano ka ba iha. Wala na yung costume diyan. Matagal nang pinamigay yon ehh. Kesa naman gawin ko pang basahan yun."
"Ano ba yan Lola. Sayang naman yun." -Jennica
"Para saan mo ba gagamitin yun?" -Lola Gem
"Para sa Halloween Event. Sayang yung premyo ehh." -Jennica
"Hay nako iha! Marami pa namang ibang costume diyan ehh. makakahanap ka pa ng mas maganda diyan." -Lola Gem
OO nga noh... Biglang sinabi ni Jennica sa kanyang isipan. Umalis na sila ng kanyang lola sa basement at nanood na lamang ng TV. Pero ilang minuto lamang ang lumipas ay biglang nakarinig ang dalawa ng katok mula sa kanilang pintuan. Lumapit si Jennica sa pintuan at binuksan niya ito. Nakita niya ulit si Luhan. "Ohh. Bakit ka ulit nandito? Saka bakit parang aalis ka? May lakad ka ba Luhan?" anong ni Jennica. "Actually... aayain sana kitang lumabas ehh. Meron kasi akong dalawang passes para sa isang theme park. Sayang. Ride All You Can pa naman to. Hanggang ngayon nalang siya pwede ehh." Pero kahit gustuhin ni Jennica na sumama kay Luhan, hindi niya kayang iwanan nang mag-isa ang kanyang lola. "Alam mo naman yung nangyari nung isang linggo diba. Pesensya na Luhan pero hindi ko matatanggap. Saka hindi ko kayang iwanan ulit si Lola dito nang mag-isa". Yumuko na lamang si Luhan at pinilit niyang tanggapin ang sagot ni Jennica. "Sige Luhan. Enjoy ka nalang. Sorry talaga". At tuluyan na niyang sinara ang pintuan. Kahit na labag sa kanyang kalooban, ginawa niya iyon para sa kanyang lola. Pero ang hindi alam ni Jennica, nakikinig si Lola Gem sa usapan nila ni Luhan. "Okay lang ako iha. SIge... samahan mo na siya. Tutal mukhang gusto ka naman ng binatang 'yon ehh." nanlaki ang mata ni Jennica at agad siyang sumagot. "Pero paano ka dito Lola. Hindi kita kayang iwanan. Saka walang gusto sakin yun no. Ang gwapo-gwapo nun eh. Ehh tignan mo naman yung itsura ko, PANGIT." napangiti si Lola Gem at hinawakan niya ang balikat ni Jennica. "Ano ka ba iha. Tumingin ka nga sa labas. Napaka daming pulis na paikot ikot. Wala nang mangyayaring masama sakin..." inayos niya ang buhok ni Jennica "...saka hindi ka pangit. Napaka ganda mo kaya. At matalino pa." Ngumiti si Jennica ay hindi niya mapigilang matuwa matapos sabihin ni Lola Gem na ayos lamang na iwanan siya nito. "Thank You talaga Lola. Mahal na mahal kita." at niyakap nila ang isa't isa. "Ohh. Ang drama na natin. Habulin mo muna si Luhan. Baka tuluyan na siyang naka-alis. Sayang yung ride all you can." Bumitaw si Jennica sa pagkaka-yakap niya kay Lola Gem at nagmadali siyang tumakbo palabas ng kanilang bahay. Nakita niya si Luhan na malapit nang maka-alis ng Eastshore "LUHANNNNNNNNNN!" Sumigaw siya ng napaka lakas at agad namang lumingon si Luhan. "Ohh. Akala ko ba hindi mo 'ko sasamahan?" hinihingal pa si Jennica nang siya ay sumagot kay Luhan "Sasaka na 'ko sayo. Payag si Lola. Saka ayokong mag-isa ka sa theme park." napa-ngiti si Luhan at bigla niyang niyakap si Jennica sa sobrang saya. "Teka lang Luhan. Mag-papalit lang ako ng damit. Hintayin mo 'ko ahh." At agad namang bumitaw si Luhan sa pagkaka-yakap nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/24514733-288-k575781.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael