Chapter 6 - Vincent

1.9K 42 15
                                    

May artista, may politiko, at ngayon naman... isang fashion model. Parami na nang parami ang nakikilala ni Jennica sa lugar na kanyang tinitirahan. Minsan ay napapa-isip siya kung aino pa ba ang hindi niya nakikilala. 

Dumating ang mga technician sa kanilang village upang magkabit ng mga CCTV cameras sa buong streets. Ikinatuwa naman ito ng mga residente maging si Jennica.

Kasalukuyan namang tinatanggal ang punong bumagsak sa bahay ni Jennica. "Diyos ko! Yung bahay natin!", wika ni Gem habang umiiyak. "Wag ka mag-alala lola. Maaayos din nila yan, saka papalitan din nila yung mga bintanang nabasag.", mahinhing sinabi ni Jennica. Ayaw niya kasing makitang natatakot ang kanyang Lola. "Ehh yung pintuan na muntikan nang masira. Papalitan din ba yun?", tanong ng kanyang Lola. "Wag kang mag-alala lola. Papa-palitan natin yan, yung mas matibay."

Kinahapunan ay napalitan na ang mga bintana at ang pintuan ng bahay nila Jennica, maging ang nasirang bubong ay naayos na rin. Habang pinagmamasdan ni Jennica ang kanilang bahay ay biglang dumating si Luhan. "Anong nangyari sa bahay niyo?", walang kaalam alam si Luhan kung ano ang nangyari. "Yung bahay kasi namin ehh. Nabagsakan ng puno nung bumabagyo." Wika ni Jennica. 

Biglang naalala ni Jennica ang payong na hiniram niya kay Luhan. "Sorry Luhan ahh.". Nagtaka si Luhan kung bakit nag so-sorry si Jennica sa kanya. "Yung payong kasi na hineram ko sayo. Nilipad ng hangin, hindi ko na nakita.", ngumiti naman si Luhan at sinabi na "OK lang yun. Ang mas mahalaga ligtas kayo ng Lola mo.". Ngumiti naman si Jennica at tumalikod siya sa sobrang hiya. Nang bigla niyang napansin na may anino galing sa loob ng lumang bahay. "NAKITA MO BA YUN?" biglang sigaw ni Jennica. "Ang alin?" napalingon din si Luhan sa lumang bahay. "May nakita akong anino sa loob ng bahay. Parang pinagmamasdan tayo ehh." 

"Sabi ko sayo ehh. Hindi talaga multo yung nakita ko. May tao talaga sa loob ng bahay na 'yon." -Luhan

"Pero paano siya nakakapasok? May mga kahoy na naka-harang sa mga pintuan." -Jennica

"Isa lang ang tanging paraan para malaman natin kung ano ba talagang meron sa bahay na yon?"-Luhan

"Ano?" -Jennica

"Kailangan nating pasukin ang bahay na 'yon." -Luhan

Nagulat si Jennica sa sinabi ni Luhan. Hindi siya makapaniwala na gustong gawin ni Luhan yon. Kahit na pareho silang natatakot, iyon ang naisip nilang paraan upang malaman ang katotohanan. "Imposibleng makapasok tayo sa bahay na yon. Tignan mo yung mga karatula. NO TRESPASSING" pero biglang naka-isip si Luhan ng paraan. "Sus. Pwede naman nating sirain yan ehh.". Pero hindi pa rin mapalagay si Jennica. "HIndi nila tayo papayagan na pumasok sa bahay na yan Luhan." at ang tanging isinagot ni Luhan...

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon