Kanina pa tulala si Jennica habang siya ay naka-higa sa kanyang kama. Mas malo siyang naguguluhan sa mga bagay na nalaman niya. "Multo kaya yun?... Ay hindi... baka naman si Vincent yun!". Dalawang oras siyang nag kulong sa kanyang kwarto upang mag-isip hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.
Kinaumagahan, si Jennica ay nakarinig ng napakalakas na sigaw galing sa labas ng kanyang bahay. "Anong meron?" bulong niya sa kanyang sarili. Bumangon siya at sumilip sa kanyang bintana. At nakita niya ang kanyang Lola na naka-upo sa gilid ng kalsada at naka-takip ang kanyang mga mata. Agad na bumaba si Jennica sa kanyang kwarto at pinuntahan niya ang kanyang Lola.
"Bakit lola? Anong meron?", hinaplos ni Jennica ang likuran ng kanyang Lola. "Tignan mo iha! Tignan mo yung nasa gitna ng kalsada." Agad namang tinignan ni Jennica ang bagay na nasa gitna ng kalsada, nang bigla siyang napa pikit.
Isang patay na aso ang naka handusay sa kalsada. Duguan ito at parang tinadtad ng saksak. "Kawawa naman yung aso..." sinabi ni Jennica sa kanyang isipan. Sakto naman at biglang napa daan ang isang security guard ng Village. At wala pang sampung minuto ay tuluyan nang tinanggal sa kalye ang kawawang aso.
Biglang may isang bagay na pumasok sa isipan ni Jennica. "Ngayon nga pala yung Opening Day ng bagong teddy bear shop!" Napangiti siya at agad na tumakbo papalabas ng Village. Makalipas lamang ng ilang saglit ay nakarating na siya sa bagong teddy bear shop. Tinignan niya ang karatula sa itaas ng gusaling iyon.
Pan Pan Teddy Bear Shop
NOW OPEN!
"WOW! Ang ganda naman ng pangalan ng Shop na 'to. Gusto ko na pumasok sa loob." Itinulak ni Jennica ang salamin na pintuan at tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng Shop. Naramdaman niya ang napaka lamig na aircon. Mas malamig pa ito sa mall na kanyang napuntahan. "Diyos ko! Napaka lamig! Parang nasa freezer ako!" Bulong ni Jennica.
Tinignan niya ang iba't ibang klase ng mga stuffed toys. May maliit, may sakto lang, at meron namang kasing laki ng tao. "WOW! Ang laki!" Nilapitan niya ang napaka laking teddy bear. Kulay brown ito at ang kanyang tenga ay napaka laki. "Ang cute cuteeeeee. Gusto ko 'tong bilhin.". Hinanap ni Jennica ang lugar kung saan nakalagay ang price tag pero hindi niya ito makita. Biglang may isang lalaki ang lumapit sa kanya.
"Hello ma'am. Ano pong maitutulong ko sa'yo?" Wika ng lalaki. "Uhmmm. Magkano po ba 'tong malaking stuffed to na 'to?" Hindi na inaalis ni Jennica ang tingin sa napaka laking stuffed toy. "1500 pesos po yan." Namangha si Jennica sa presyo ng teddy bear. "GUSTO KO TO!" Kumuha si Jennica ng pera sa kanyang wallet pero nalungkot siya nang makitang walang lamang pera ang kanyang wallet. "Uhhmmm. Sige po... babalikan ko nalang 'to pag naka-ipon na ko. Sana walang ibang bumili" walang ibang magawa si Jennica kundi malungkot na lamang. Aabutin pa kasi siya ng dalawang linggo upang makaipon ito ng ganong kalaking pera. "OK lang yan ma'am. Pwede naming i reserved ang stuffed toy na 'to para sayo." at nabuhayan ng pag-asa si Jennica, napa ngiti siya at labis na nasisiyahan. Gusto niyang pasalamatan ang lalaking nag-assist sa kanya. "Salamat po..." at tinignan niya ang name tag naka dikit sa damit. "Ivan... Thank po you ulit kuya Ivan, babalik ako as soon as possible."
![](https://img.wattpad.com/cover/24514733-288-k575781.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael