"Hoy... Gusmising ka na!" Sigaw ng Lola ni Jennica habang kumakatok ito sa kanyang pintuan. Ito na kasi ang oras para pumasok sa school. Pero ang hindi alam ng kanyang lola, si Jennica ay hindi nakatulog dahil sa kakaisip. Naaalala pa rin niya ang mga sinabi ni Luhan sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit siya takot na katot.
"Teka lang po!" At tuluyan nang lumabas si Jennica sa kanyang kwarto. "Ohh, bakit ganyan yang mata mo. Nagpuyat ka ba iha?", pero si Jennica ay tulala pa rin at hindi maka-sagot. "HOY! TINATANONG KITA!" nang biglang nagising ang diwa ni Jennica. "Sorry po Lola. Hindi lang siguro ako sanay dito sa bahay na 'to dahil... alam mo naman diba... kakalipat pa lang natin kahapon." Nag-isip na lamang si Jennica ng pwede niyang maidahilan.
"Sige na. Kumilos ka na." paglalambing na sinabi ni Gem. At tuluyan nang kumain si Jennica ng umagahan. Matapos niyang mag-asikaso ng kanyang sarili ay tuluyan nang nag-paalam si Jennica sa kanyang Lola. "By-bye po Lola.... ingat ka dito ahh. Babalik ako mamayang 3PM.", "Sige iha... Ingat ka din.". At si Jennica ay tuluyan nang umalis ng kanyang bahay. Nag-lakad siya papalabas ng Village at muli niyang nakasalubong ang artista na si Hilary sa labas ng bahay nito. Siya ay nag jo-jogging at si Jennica ay natulala. "WOW!!!! Yung idol kooooooo! Ang ganda talaga niyaaaaa!"
Nakalabas na si Jennica ng Eastshore Village at nag-abang siya ng Bus. Pinagmasdan niya ang paligid dahil hindi pa siya pamilyar sa lugar na iyon. Namangha siya sa mga magagandang establishimento at matataas na gusali. Pero bigla siyang napatingin sa kanyang kaliwa.
SOON TO OPEN
TEDDY BEAR SHOP!
Nagulat at namangha si Jennica. "WOWWWWW! TEDDY BEAR SHOP!" bigla siyang napa-ngiti sa sobrang galak. Nilapitan niya ito at binasa siya ang maliit na tarpaulin sa baba ng mas malaking tarpaulin.
OPENING DAY: 2 DAYS TO GO
ALL KINDS OF TEDDY BEARS
Nakita niya na dalawang araw na lang pala at mag-bubukas na ang bagong teddy bear shop. Hindi mapigilan ni Jennica na matuwa at ma-excite."Madadagdagan nanaman ang mga collections ko sakaling mag-bukas ang Shop na 'to." bulong niya sa kanyang sarili. Dumating na ang bus at tuluyan na siyang sumakay dito.
---
Si Luhan ay napag desisyunan na dumaan sa street kung saan nakatira si Jennica dahil siya ay late na, kahit na takot, pipilitin niyang daanan ang lumang bahay basta hindi lamang siya mahuli sa kanyang pupuntahan. Pagka-daan niya sa Abbey.St ay hindi niya napigilang tumingin sa lumang bahay. Pinagmasdanan niya ang mga karatulang may nakasulat na KEEP OUT at NO TRESPASSING. Tumingin siya sa bintana at nagulat siya sa kanyang nakita! Isang lalaki ang nakatayo sa loob ng second floor, nakatingin ito sa kanya at mayroon itong hawak na kutsilyo. Napa-pikit si Luhan pero nang siya ay dumilat, ito ay wala na. Sa sobrang takot niya ay bigla siyang napatakbo ng mabilis, pero sa hindi sinasadyang pangyayari ay bigla siyang nadapa! Tumama ang kanyang tuhod sa simento. Napaiyak siya sa sobrang sakit! Hindi siya makatayo at kahit sumigaw pa siya ay walang nakakarinig sa kanya dahil walang ibang tao sa paligid. Nang biglang may isang sasakyan na dumaan sa harapan ni Luhan, ito ay huminto sa kanya at binuksan nito ang kanyang pintuan. "Anong problema bro?", wika ng lalaki. "Tulungan niyo po ako. Hindi ako makatayo." at walang ibang nagawa ang lalaking iyon at tinulungan na lamang niya si Luhan. Binuhat ng lalaki si Luhan at dinala niya ito sa Village Clinic sa tabi ng playground. "Sige bro. Sa susunod mag-ingat ka na ahhh", at si Luhan naman ay nag-pasalamat sa kanya. "Sige. Thank you... teka, anong pangalan mo?" biglang naisipang itanong ni Luhan, "Ahhh. Ako nga pala si Luke." Kinamayan ni Luhan si Luke at siya ay tuluyan nang umalis. Si Luhan ay nilagyan ng benda sa luhod at imbis na umalis pa siya ay pinili na lamang niyang umuwi ng kanyang bahay.
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
TerrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael
