Naisipan ni Luhan na tumawag kay Jennica dahil gusto niya malaman kung ano na ba ang sitwasyon nito.
"Hello Jen. Musta na..." -Luhan
"LUHAN! LUHAN! SI VINCENT! SI VINCENT!" -Jennica
"Bakit? Teka! Kumalma ka muna! Ano ba yun?" -Luhan
"SI VINCENT! PUMUNTA SIYA DITO SA BAHAY KO!" -Jennica
"Teka! Paano mo naman nasabi yan?" -Luhan
"Nam-biktima nanaman siya ng inosenteng tao. At may ipinadala siya saking sulat. Sabi niya ay hindi ko na daw siya matatakasan. NATATAKOT AKO LUHAN!" -Jennica
"Teka! Teka lang. Magkita tayo ngayon! Sa Mall! Siguro ay mas maiintindihan ko yan." -Luhan
"Sige! Bukas! Bukas ko na ik-kwento sayo lahat. Ang daming pulis dito sa harapan ng bahay namin ehh." -Jennica
"Ohh sige. Matulog ka na. I-lock niyo ang pintuan niyo ni Lola Gem. Goodnight." -Luhan
"Salamat ahh. Sige, Good night din." -Jennica
At tuluyan na nilang ibinaba ang telepono. Nahirapang matulog si Jennica sa buong gabi dahil sa sobrang takot at pag-aalala. Kasabay din non ang mga ingay ng police cars at media sa labas ng kanilang bahay. Nagtakip na lamang siya ng unan upang hindi niya marinig ang mga ito.
---
"Asan ako?" Wika ni Jennica habang naka-titig sa playground.
Nakakita siya ng mga batang nag-lalaro at nilapitan niya ito. At saka niya nasilayan ang batang si Vincent na may hawak na teddy bear. Nakatalikod ito at hindi niya masilayan kung ano ba ang itsura nito. Unti-unti siyang lumapit at pinagmasdan niya ang mukha nito.
Isang napaka inosenteng Vincent ang di mo aakalaing pumatay ng kanyang kaklase at Tita.
"Anong ginagawa mo?" Wika ni Vincent. "Ayy. Pasensya na Vincent." sagot ni Jennica.
"Paano mo ako nakilala? At sino ka!" -Vincent
"Ako si Jennica.." -Jennica
"Jennica? Ikaw si Jennica?!" -Vincent
"OO ako nga." -Vincent
"PAPATAYIN KITA!!!!!!!!" -Vincent
At kinuha ni Vincent ang kutsilyo sa kanyang bulsa. Nagulat si Jennica at tuluyan niya itong pinag sasaksak.
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorreurStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael