Chapter 14 - Blackout (PART 1)

1.4K 42 9
                                    

Agad na tumakbo si Jennica papunta sa lumang bahay. Napansin niya na napaka dami paring pulis sa paligid ng kanilang bahay. Tinawag niya ang lahat ng mga ito at inutusan na sumama sa kanya. "Sumama kayo sakin! Alam ko kung nasaan si Lola! Nandito siya sa loob ng lumang bahay!" hindi makapaniwala ang mga pulis kung totoo ba ang sinasabi ni Jennica, pero wala na silang nagawa kundi samahan na lamang ito sa loob.

Sinira nila ang pintuan at agad nilang nilibot ang buong bahay pero wala silang nakitang kahit ano mang kakaiba sa loob nito, nang bigla may sinabi si Jennica. "Kailangan nating sirain yung basement!" pero habang nagsasalita siya ay biglang sumingit ang isang pulis. "Sigurado ka bang may makikita tayo diyan?" at sa sobrang inis ni Jennica ay hindi niya napigilang nagalit "HOY! HAYOP KA! TRABAHO MONG HANAPIN YUNG LOLA KO! AT KUNG AYAW MO AKONG TULUNGAN, EDI SANA, HINDI KA NALANG NAG-PULIS!!!!" at nanahimik na lamang ang lalaking pulis.

Pinilit din nilang sirain ang pintuan ng basement hanggang sa tuluyan nilang nabuksan ito. Unang pumasok si Jennica sa loob at sinilip niya kung naroon nga ba ang kanyang lola. Pero wala silang ibang nakita kundi ang iba't ibang klase ng mga lumang kagamitan. Pinilit nilang hanapin kung may makikita silang kakaiba sa loob pero wala silang mahanap. "Wala dito ang Lola mo. Sige... aalis na kami dito sa loob ng bahay." Wika ng isang pulis. At walang nagawa si Jennica kundi umiyak na lamang. Hinawakan ni Luhan ang kanyang balikat at nangako dito "Wag kang mag-alala. Hahanapin natin si Lola Gem, hindi kita iiwan mag-isa."

Mas lumalim na ang gabi, at ang mga pulis ay hindi pa rin umaalis sa loob ng Eastshore Village, paikot-ikot sila sa loob ng Village at nagbabakasakaling makita ang Lola ni Jennica. Ang mga ibang nakatira naman sa loob ng Village ay hindi makatulog dahil sa ingay ng mga police siren. Si Jennica naman ay dilat na dilat pa rin, nagbabakasakaling may balitang nakita na ang kanyang lola. "Matulog ka na Jen. Bukas na bukas,, makikita rin nila ang Lola mo." Wika ni Luhan. "Hindi ako matutulog! Hindi ko kayang wala si Lola sa tabi ko!" sagot naman ni Jennica.

---

EARLIER

Matapos hampasin ni Vincent ng baseball bat ang kawawang matanda ay agad niya itong binuhat. Pero hindi niya namalayan na natanggal pala ang isang piraso ng butones sa kanyang damit. Gumulong ito papunta sa ilalim ng lamesa. At tuluyan na siyang lumabas ng bahay, nakuhanan siya ng CCTV Camera pero likod lamang niya ang nakita.

Pumasok sila sa lumang bahay at agad na tumuloy sa basement. At ang hindi alam ng lahat ay may isang sikretong pindutan sa pader. At matapos pindutin ni Vincent ang secret button ay biglang bumaba ang pader. Ngayon ay meron nang pintuan papasok sa kweba. Dinala niya ang kawawang matanda sa kwarto kung saan niya dinadala ang kanyang mga pinapatay.

---

At sa kasalukuyan, ang lola ni Jennica ay nananatiling mahina. Nakatali ito sa gilid at kahit anong gawin niya, hindi siya maka-alis sa loob. Nang biglang pumasok si Vincent. "Kawawang matanda, anong akala mo sakin? TANGA? Akala mo malalabanan mo 'ko? PWES! Nagkakamali ka!" Lumapit ito kay Lola Gem at bigla niya itong sinampal ng malakas! Napa-ungol sa sakit ang matanda. "PAPATAYIN NA KITA NGAYON!" Sigaw ni Vincent

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon