"Lola! Saan ka dinala ng kumuha sayo? Sabihin mo sakin!" Wika ni Jennica sa kanyang lola habang yakap-yakap pa rin, pero dahil sa sobrang stress at takot ay biglang hinimatay si Lola Gem. Nagulat ang lahat maging si Luhan sa nakita nito. Napaka daming taong nakapaligid kina Jennica at agad niya itong pinalayo. Lumapit ang isang pulis dito at nagmadaling binuhat ang matanda at isinakay sa police car.
"Dalhin mo nalang kami sa bahay!" WIka ni Jennica sa mga pulis. "Kailangan lang ni lola mag-pahinga dahil sa sobrang stress." At agad namang nag-tungo ang mga pulis papunta sa bahay nina Jennica.
Inihiga nila si Lola Gem sa kama at agad na pinaypayan. Pero imber na umalis ang mga pulis ay nanatili ito sa labas ng bahay at nagbantay. At sa di kalayuan ay pinagmamasdan ni Vincent ang bahay nina Jennica, nakatitig ito na parang sobrang galit. Nanggigigil ang mga kamay nito at parang gustong pumatay! "Hindi pa ako tapos! Kung hindi ko kayo kayang saktan, PWES! Maghahanap ako ng iba!" At biglang lumingon si Vincent sa isang bahay kung saan naroon nakatira si Ms. Noreen. Napa-ngiti ito at may kinuhang Lighter sa bulsa.
---
Habang pinagmamasdan ni Jennica ang kanyang lola atbigla nitong napansin na konti nalang pala ang tubig sa baso, kaya napagdesisyunan niyang lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina upang kumuha ng tubig na maiinom. Natanggal na ang mga bubog at kalat na nangyari sa kusina matapos ng malagim na pangunguha kay Lola Gem.
Agad namang bumalik si Jennica sa kwarto nang bigla siyang may natapakan. Tinignan niya kung ano ito at may napansin siyang isang maliit na bagay. Isang BUTONES. Kinuha ito ni Jennica at napa-isip siya kung saan ba nang-galing ang butones na 'yon.
Pumunta siya sa kwarto ipang tignan ang mga damit pero kahit isa ay walang katulad ang butones na nakita niya. "Saan ba 'to nanggaling? Imposibleng may ganito kaming klasi ng butones dito sa bahay." At agad namang itinago ni Jennica ang butones sa loob ng drawer.
---
Muli niyang kinuha ang isang baso ng tubig at muling bumalik sa kwarto ng kanyang lola.
NANG BIGLA SIYANG NAKARINIG NG MALAKAS NA PAGSABOG SA LABAS NG BAHAY!
Bigla niyang nabitawan ang isang baso ng tubig sa sobrang gulat at agad naman itong nabasag!
Maging ang mga pulis sa labas ng bahay ni Jennica ay nagulat din sa narinig nila. Agad silang tumakbo papunta sa lugar ng pag-sabog. Maging si Jennica ay sumunod sa mga pulis. "Teka... walang maiiwn kay Lola. Kailangan ko nalang bumalik sa bahay!" At napagdesisyunan niya na hindi na lamang pumunta sa lugar na pag-sabog!
![](https://img.wattpad.com/cover/24514733-288-k575781.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael