"May kambal pala na stuffed toys. Hahaha! Astig." Natawa si Jennica at napa-ngiti habang siya ay naglalakad pauwi sa kanyang bahay. At habang siya ay naglalakad, bigla niyang naka salubong ang secretary ng Department of Health na si Ms. Noreen.
Biglang namangha si Jennica at siya ay napa hinto sa paglalakad, ito ang unang beses niya na makakita ng pulutiko sa personal. "Ang astig talaga ng Village na 'to. Akala ko si Hilary lang ang famous, nandito din pala si Ms. Noreen. I'm sure, marami pang ibang sikat na personalidad sa lugar na 'to." at tuluyan nang naglakad si Jennica pauwi.
Habang si Jennica ay nasa gate ng kanilang bahay, bigla niyang nakita si Guardian na nag-bi bike. "Uyy. Akala ko ba, madaling araw yung shift mo? Hapon pa lang ahh." Tanong ni Jennica. "Nagpa-lipat na ako sa hapon, hindi ko na kaya sa madaling araw. Buti nalang at pinayagan ako."
"Mas ok na yung ganito, at least hindi ka na matatakot." Ngumiti si Jennica at kinawayan niya si Guardian habang ito ay papalayo na sa kanya. Pagka-pasok niya sa loob ng bahay ay bigla niyang nakita ang kanyang lola na si Gem na naglalabas ng kandila at flashlight galing sa loob ng cabinet.
"Ohhh Lola? Ano yang mga yan? Para saan yang mga kandila?" Nanlaki ng mga mata ni Jennica at wala siyang kaalam alam kung ano ba ang ginagawa ng kanyang lola. "ANO KA BANG BATA KA? HINDI KA BA NANUNUOD NG BALITA?" Biglang sumigaw ng lola ni Jennica. "Ano po bang meron?", wala pa ring pumapasok sa isipan ni Jennica kung ano nga bang meron.
"Nanuod kasi ako ng T.V. kanina. At ibinalita na nagkakaroon daw ng napaka lakas na bagyo. At tatama daw ito sa siyudad natin. Dapat tayong mag-handa." Bumibilis ang pagsasalita ni Gem habang inihahanda niya ang mga kandila. "Ano ka ba lola! Ang OA mo naman. Magtiwala ka lang, hindi yan tatama sa'tin. Malay mo, joke lang yung nasa news."
Nang biglang kumidlat ng napaka lakas!
"Anong joke ka diyan? Narinig mo ba 'yon? Umayos ka iha ahh. Masasampal na kita.", galit na sinabi ni Gem. "Ano ka ba lola. Nagbibiro lang naman ako ehh. Siyempre tutulungan kita noh." At ni-lock na ni Jennica ang mga bintana sa kanilang bahay.
Pero bigla siyang may naalala, "Kamusta na kaya si Luhan? OK na kaya siya?" nag-aalala si Jennica sa kalagayan ni Luhan. Kaya agad siyang kumuha ng kahoy at napag desisyunan niya na mag-punta sa bahay ni Luhan. "Antayin mo 'ko Lola ahhh. May pupuntahan lang ako.", "BILISAN MO IHA! BAKA ABUTAN KA NG ULAN." Sumigaw si Gem dahil siya ay nasa basement ng kanilang bahay. "SIGE PO!" At tuluyan nang tumakbo si Jennica papunta sa bahay ni Luhan, at kasabay ng kanyang pag-takbo ay ang pagkulog at pag-kidlat. Sumabay pa ang napakalas na hangin at ambon. Binuksan ni Jennica ang kanyang payong pero bigla itong bumaligtad. "AHHHH! Yung payong ko!" Binilisan niya ang pagtakbo dahil aabutan na siya ng napaka-lakas na ulan.

BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael