Chapter 23 - Linked Together

1.4K 34 16
                                    

Kasalukuyang nakasakay si Jennica sa ambulance kung saan naka-ratay ang walang malay na si Luhan. Hindi tumitigil si Jennica sa kakaiyak. "Luhan!!!! Gumising ka na... Please!!!" wika nito, pero si Luhan ay nananatiling tulog. Matapos ng biyahe ay agad na dinala si Luhan sa operation room. "Miss. Hanggang dito ka nalang po." wika ng isang doktor kay Jennica. "PAGALINGIN NIYO PO SIYA! PLEASE PO! NAGMAMAKA-AWA AKO!" wika ni Jennica habang humahagulgol sa pag-iyak. Umupo siya sa bench malapit sa pintuan ng operating room. At makalipas lamang ng limang minuto ay biglang dumating ang nanay ni Luhan na si Camille. "Diyos ko! Ang anak ko!!!" sigaw nito. At agad namang niyakap ni Jennica si Camille. "Gagaling po siya. Wag kang mag-alala..." Pinalakas na lamang ni Jennica ang loob ni Camille pero para sa kanyang sarili, siya ay nawawalan na ng pag-asa. Lumipas pa ang ilang oras at biglang lumabas na ang doktor sa loob ng operating room. "Dok! Dok! Kamusta na po yung pasente!" tanong ni Jennica. Nakasimangot ang doktor at sinabing "Medyo kritikal po ang lagay ng pasente. Napaka daming sugat ang nakuha niya matapos ng pag-sabog. Comatose po siya sa kasalukuyan pero ginagawa namin lahat para gumaling siya. Kailangan niyo pong mag-dasal. Nasa kamay na lamang ng DIyos ang kanyang kapalaran." Nanlumo ang dalawa matapos nilang marinig ang sinabi ng doktor. Kasalukuyang nag a-agaw buhay si Luhan. Nagmadali naman si Jennica at Camille patungo sa altar. At wala silang ibang ginawa kundi mag-dasal ng mag-dasal para kay Luhan.

"Ohh. Jennica. tsk tsk... mali ako ng desisyon. Dapat pala pinatay na kita noong sanggol ka pa lamang." bulong ni Vincent habang  pinag mamasdan ang litrato. "Nakakainis ka! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Ikaw ang  rason kung bakit namatay si Mama!"

___________________________________________

1992

Isang taon matapos mamatay ni Albert ay nagluluksa parin si Vincent at Mary. Linggo linggo silang nagpupunta sa sementeryo upang bisitahin ang kanilang pumanaw na padre de pamilya. Si Mary ay palaging may dala-dalang bulaklak.

Lumipas pa ang dalawang buwan ay nag pupunta parin si Mary sa sementeryo, at isang araw napag desisyunan niya na mag-punta ulit pero biglang nagkasakit si Vincent. Iniwan niya ito sa tita ni Vincent sa Eastshore at tuluyan nang nag punta. At habang nasa sementeryo ay may isang lalaki ang biglang kumalabit sa kanya.

"Hello miss." wika ng isang lalaki. "Uhh... hello din." sagot ni Mary. "Palagi kitang nakikita dito ah.  Mga ilang buwan na rin. Sino ba ang binibisita mo..." tanong ng lalaki. "Yung asawa ko... namatay siya sa aksidente."

"Ay. Pasensya na. Condolence pala." hinawakan ng lalaki ang balikat ni Mary. Ngumiti naman si Mary at nagsimulang gumaan ang loob niya sa lalaking ito. "Ano palang pangalan mo?" tanong ni Mary. "Ako si Kevin." sagot ng lalaki.

Makalipas ng isang taon ay tuluyan nang napalitan ng ngiti ang dating lungkot sa mukha ni Mary. Pinakasalan siya ni Kevin at naging masaya na sila. Pero may isang problema... Si Vincent. Hindi siya masaya sa lalaking ipinalit ni Mary para sa kanyang Papa. Palagi siyang naka simangot at hindi mapalagay ang loob nito para kay Kevin.

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon