Chapter 8 - Kidnapped then Killed

1.6K 43 7
                                    

Lumipas pa ang isang linggo at hindi pa rin nakikita ang artistang si Hilary. Mas lalong dumami ang mga police cars at ang mga news reporters sa harapan ng bahay nito. At si Jennica naman ay dumadaan sa kabilang street bago pumasok sa kanyang school upang iwasan ang mga tao.

Habang naglalakad siya ay bigla siyang nakarinig ng malakas na sigaw at kalabog sa isang bahay. At bigla siyang napahinto sa paglalakad. Napalingon siya sa bahay at muli niyang pinakinggan ang sigaw...

"AHHHHHHH!!!!

WAG MO AKONG PATAYIN!"

Nang biglang nanlaki ang mata ni Jennica. Nanginig ang kanyang tuhod at hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. "Dapat na akong tumawag ng pulis!" bulong niya sa kanyang sarili. Bigla siyang tumakbo ng mabilis upang makarating sa kinaroroonan ng bahay ni Hilary kung saan maraming pulis at news reporters.

At agad siyang dumating na sobrang pawis. "TULUNGAN NIYO KO! NAKARINIG AKO NG MAY PINAPATAY!" sigaw niya sa napaka daming tao. Agad namang naalarma ang mga pulis at agad silang tumakbo kasabay ni Jennica. Pagkadating nila sa lugar na iyon ay agad itinuro ni Jennica ang bahay. Bigla namang lumapit ang mga pulis at binuksan ng mga ito ang pintuan.

Nilibot nila ang buong bahay at agad silang lumabas. Tinawag ng isang pulis si Jennica at agad naman siyang lumapit. "Asan na yung sinasabi mong pinapatay dito?" tanong ng isang pulis. "Narinig ko! May sumisigaw sa bahay na yan!" malakas na sibani ni Jennica. "Nako bata! Baka naman imahinasyon mo lang yon! Wala namang tao sa bahay na 'to ehh." Sabi ng isang pulis. "Nako naman... nag-aaksaya lang tayo ng oras dito. Tara na nga!" Sigaw ng isang pulis. Nadismaya sila sa ginawa ni Jennica. Pero alam ni Jennica na meron talagang sumigaw galing sa loob ng bahay na iyon. Hindi siya nakapaniwala na wala naman palang tao doon.

Habang nakatitig si Jennica sa bahay ay may isang taong nagmamasid sa kanya. Pinagmamasdan siya nito sa di kalayuan. Itinuloy naman ni Jennica ang paglalakad papunta sa kanyang school hanggang sa naka-labas na ito ng village.

"Please! Wag mo akong patayin..." Mahinang sinabi ng matandang babae habang tinititigan siya ng taong kumuha sa kanya. "Wala naman akong nagawang kasalanan sayo... please... pakawalan mo na ako..."

"Bakit naman kita papakawalan. Ayan nga ang gusto ko eh. Yung nagmamaka-awa kayong lahat sakin." Bulong ng boses LALAKI.

Nang biglang hinampas ng lalaki ang babae. At nawalan ito ng malay...

---

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon