Chapter 21 - It's a Matter of Survival

1.3K 36 7
                                    

ETO NA NALALAPIT NA ANG PAG-TATAPOS...

__________________________________________

"Si VINCENT! Si VINCENT ang nagpadala sakin niyan!" Paulit ulit na sinasambit ni Jennica sa mga pulis. Hindi pa rin siya makapaniwala sa putol na kamay na natanggap niya. Takot na takot siya at nanginginig. Maging si Lola Gem ay napa-iyak sa sobrang kaba. "Kailangan na nating umalis sa lugar na 'to!" sigaw ni Lola Gem sa mga pulis na naka-palibot sa kanila ni Jennica. Agad na lumapit ang matanda kay Jennica at sinabing "Aalis na tayo dito iha! Sa madaling panahon!" 

Ang putol na kamay ay agad na tinanggal ng mga pulis at pinalibutan nila ng harang ang harapan ng bahay nila Jennica. "We need some backup... here in Abbey Street." Wika ng isang pulis sa kanyang walkie talkie. Nagmadali namang nagsidatingan ang ibang mga pulis sa bahay nila Jennica at kinuha nila ang kahon kung saan nakalagay ang putol na kamay.

From: VINCENT
<3 <3 <3


"Imposible..." bulong ng isang pulis. Narinig naman ito ni Jennica at agad siyang sumagot. "Anong imposible? Saka ano pong nangyayari sa lugar na 'to!" tumitig ang pulis kay Jennica at agad siyang nag-kwento ng mga bagay na nalalaman niya. 

"Imposible talaga to... 1998 pa nung nawala si Vincent dito sa Eastshore. Pinaniniwalaan naming patay na siya dahil matagal na siyng hindi nagpaparamdam. Pero bakit ganon? Mukhang mali kami ng inakala. Nagbabalik na siya at nag-hihiganti." Si Jennica naman ay hindi makapaniwala at hindi niya naiwasang magalit "BAKIT KAMI ANG BINABALIKAN NIYA! WALA NAMAN KAMING GINAWANG MASAMA SA KANYA!!!" hindi naka-sagot ang pulis na kausap niya pero may isang matandang pulis na lumapit kay Jennica at biglang sumingit ito sa usapan.

"Alam ko ang lahat ng pangyayari dito bata." wika niya. "Wala siyang pinipiling tao, dahil lahat ng nakatira sa lugar na 'to ay gusto niyang pagbayarin matapos patayin ang nanay niya ng mga taong bayan. Isa ako sa mga pulis na rumesponde habang sinusunog ng buhay ang nanay ni Vincent. NAKITA KO ANG TUSTADO NIYANG BALAT! Nanginginig pa siya at humihinga pa rin. Pero alam ko sa sarili ko na mamamatay na siya at hindi na makakaligtas pa. Tinakpan na lamang namin siya ng kumot kahit na buhay pa siya. At makalipas lamang ng sampung minuto ay tuluyan na siyang binawian ng buhay. At noong 1998. Nangyari ang pinaka misteryosong krimen dito sa siyudad. Alam naming si Vincent ang naka-patay sa kanyang tita at si Edgar... ay mali... Eddmar pala. Nawala siya at tuluyan nang nanahimik. Pero bakit nagbalik siya? At mas matindi pa ang pang-gugulong ginagawa niya." Ngayon at alam na ni Jennica ang lahat, mas lalo siyang kinabahan dahil alam niyang hindi na sila ligtas sa Eastshore Village. Ang tinaguriang pinaka magandang Village sa buong Pilipinas. "Si Vincent... si Vincent ang nag tangkang kumuha kay Lola. At doon nang-galing si Lola sa loob ng lumang bahay nang naka-takas siya." Napa-tingin ang mga pulis sa lumang bahay at napa-isip sila. "Kailangan nating mahuli si Vincent sa lalong  madaling panahon. Kaso mahihirapan tayo dahil hindi natin siya namumukhaan." Agad namang sumingit si Guardian sa mga nag-uusap "Yung mga CCTV!"

Nagmadaling nag-tungo ang ibang mga pulis sa Village Office upang tignan ang mga CCTV Footage pero nadismaya  lamang sila. "Walang kwentang mga CCTV yan! Kung hindi sira, palagi namang naka-suot ng face mask ang kriminal na palibot-libot dito sa Eastshore Village!"

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon