Para kay Vincent, ang teddy bear na binigay ng kanyang Papa ang pinaka mahalagang bagay sa buong mundo, narito kasi ang lahat ng mga masasayang ala-ala bago pa ito mamatay sa isang malagim na aksidente. Nabagsakan ito ng Hallow Blocks sa ulo habang nag ta-trabaho sa isang construction site. Nang dahil sa-pangyayaring iyon, napilitan si Vincent na tumira sa kanyang napaka-sungit na tita. Pitong taong gulang pa lamang siya ng mawalan siya ng Ama, at ngayon ay 14 years old na siya at ang teddy bear na binigay ng kanyang ama ay maayos pa rin at hindi mo ito makikitaan ng anumang bakas ng dumi.
Isang umaga ay napag-desisyunan ni Vincent na dalhin ang kanyang teddy bear sa Park upang malibang. Yakap-yakap niya ito habang siya ay papunta. Kumakanta pa siya at ngumingiti. Masaya si Vincent dahil sa tuwing nakakasama niya ang teddy bear na iyon ay parang kasama niya na rin ang kanyang Ama. "Malapit na tayo Papa." Bulong niya.
Pagka-dating sa park ay agad siyang umupo sa swing, nang biglang nalaglag ang teddy bear sa buhanginan. Nagulat si VIncent! Agad niya itong pinulot at pinagpag. Sa sobrang pag aalala ni Vincent sa teddy bear ay napagdesisyunan niya agad umuwi upang paliguan ito. Habang tumatakbo siya ay bigla niyang nakasalubong ang bully niyang classmate na si Eddmar. Bigla nitong inagaw ang hawak niyang teddy bear. "Ano ba tong bagay na to? Ang pangetttt!" Pagkatapos laitin ni Eddmar ang teddy bear ay bigla niya itong pinugutan ng ulo. "IBALIK MO YAN SAKIN!" Nagmamaka-awang sigaw ni Vincent. "Hindi ko na 'to ibabalik sayooo. Tutal hindi mo ko pinakopya sa quiz ehhh." Nagmamayabang na sinabi ni Eddmar.
Hanggang sa tuluyan nang itinapon ni Eddmar ang kawawang teddy bear sa putikan. Walang nagawa si Vincent kundi umiyak na lamang. Ang teddy bear na ibinigay ng kanyang papa ay wala na.
Halos hindi na siya tumigil sa kaka-iyak. Hanggang sa maka-uwi siya ay hindi pa rin siya tumitigil. "HOY! TUMAHIMIK KA DIYAN! MAGLUTO KA NA NG PAGKAIN!" Sigaw ng kanyang masungit na tita. "Opo.... magluluto na po ako." Mahinang sinabi ni Vincent.
---
Halo-halo ang naiisip ni Vincent. Hindi siya mapakali. Tila nais niyang gantihan si Eddmar sa ginawa nito sa kanyang teddy bear. Kumuha siya ng kutsilyo at agad siyang nagbalat ng sibuyas. Pero sa sobrang inis niya ay ibinato niya ang hawak niyang kutsilyo sa bintana. Nagulat ang kanyang tita at bigla nitong pinagalitan si Vincent. "HOY! HAYOP KANG BATA KA! NAKIKITIRA KA LANG DITO TAPOS GANYAN KA PA KUNG UMASTA?!" Sigaw ng kanyang tita. "WALA KA TALAGANG KWENTA! PALAMUNIN KA LANG ... WALA KA NANG MGA MAGULANG ... DAPAT SAYO, NASA BAHAY AMPUNAN NA! ... LECHE KA!"
Nang biglang nanilim ang paningin ni Vincent...
Kinuha niya ang bakal na martilyo sa ilalim ng lutuan at agad niyang sinugod ang kanyang tita!
HINAMPAS NIYA ITO NG MATRILYO SA ULO!
Humandusay ang kanyang tita sa sahig at ito ay nanginginig. Tumutulo pa rin ang dugo nito galing sa ulo.
"Para yan sa mga kasamaang ginawa mo sakin. Dapat sayo... pinapatahimik na ehh..." Bulong ni Vincent sa anyang tita habang naka-ngiti. Hindi pa siya nakontento at kinuha pa niya ang lagari sa ilalim ng lutuan. Inilagay niya ang lagari sa leeg ng kanyang tita at... "Parang awa mo na iho... wag mo... akong... patayin... please......." Nagmamakaawang sinabi ng kanyang tita.
Hindi pa rin nakinig si Vincent at tuluyan niyang nilagari ang leeg ng kanyang tita hanggang sa mapugot ang ulo nito. Hindi pa siya nakontento at nilagari pa niya ang mga braso, binti, paa, at kamay. Nagkalat ang mga dugo sa paligid ng kusina. Maging ang mukha ni VIncent ay naging kulay pula na. Agad siyang pumunta sa banyo at naligo. At matapos niyang maligo ay tuluyan na siyang umalis sa bahay dala ang isang napaka-habang kutsilyo. "Humanda ka sakin Eddmar..." Bulong niya sa kanyang sarili.
---
At makalipas ng tatlong araw ay natagpuan ang walang buhay na katawan ni Eddmar sa bangin malapit sa lugar kung saan nakatira si Vincent, kagaya sa tita ni Vincent, pugot ang ulo neto pero may isang pinag tataka ang mga pulis, ulo ng isang teddy bear ang nakalagay sa ulo ni Eddmar.
Kasabay nito ang pagkakadiskubre din sa napaka bahong bangkay sa loob ng bahay ng tita ni Vincent.
Si Vincent ay Labing-apat na taong gulang ng patayin niya ang kanyang tita at ang kanyang ka-klase. February 23, 1998. Yan ang pinaka hindi malilimutang araw sa kasaysayan. Taon-taon ginugunita ang tinaguriang "Teddy Bear Massacre" dahil sa mga krimen na ginawa niya.
Pero hanggang sa panahong ito ay hindi pa rin natatagpuan si Vincent.
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael