Chapter 12 - His Plan

1.4K 44 7
                                    

1998

Matapos tumakas ni Vincent sa Eatshore Village ay hindi na siya natagpuan pa. Pero hindi alam ng lamat na nag-tungo siya sa isang bahay ampunan. Walang nakakakilala kay Vincent dahil sa probinsya na siya nag-punta. At makalipas ng isang taong pananatili niya sa lugar na 'yon ay may dumating na mag-asawa na nagka-interes sa kanya.

Lumipas pa ang isang linggo at muling bumalik ang mag-asawa at napag desisyunan nila na ampunin na si Vincent. Tuwang tuwa siya dahil sa wakas ay magkaka roon na rin siya ng bagong pamilya. 

Pagkadating niya sa bahay ay bigla siyang namangha. Dahil isang mayaman na pamilya ang kanyang napuntahan. Napaka daming sasakyan at marami ding mga katulong. Naging buhay prinsipe si Vincent sa pamilyang iyon. Nalaman pa niya na walang anak ang mag-asawa.

2009

At pagkalipas ng sampung taon ay tuluyan nang pumanaw ang tatay na umampon kay Vincent sa sakit na Cancer. Tanging ang kanyang ina na lamang ang nag-aalaga sa kanya na malapit na ring mamatay. 

Isang gabi naisipan ni Vincent na paslangin na ang kanyang nanay upang mapunta na sa kanya ang lahat ng kayamanan ng pamilya. At nagkatotoo nga ang masamang balak nito.

Habang natutulog ng mahimbing ang kanyang nanay ay kumuha siya ng unan.

At tuluyan niya itong inilagay sa mukha ng kawawang matanda. Pilit itong lumalaban pero makalipas ng isang minuto ay tuluyan na itong nawalan ng buhay.

At matapos ilibing ng kanyang nanay ay nakuha na niya ang napaka laking pera. At tandang tanda pa rin ni Vincent ang lugar kung saan napaka laki ang galit niya. Ang EASTSHORE VILLAGE.

At itinuloy na niya ang plano niya. Mag isa siyang nag-hukay ng lagusan sa ilalim at kumuha siya ng mga karpintero upang itayo ang Teddy Bear Shop na gusto niya.

"Para sayo mama... Ipaghihiganti kita." Ngumiti si Vincent at nangako na uubusin niya ang lahat ng nakatira sa Eastshore Village.

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon