Dumating ang ibang security guard ng Village sa kinaroroonan nina Luhan. Maging ang mga kapitbahay naman ay biglang nagising sa mahimbing na pagkakatulog. Nagsisisi silang tatlo sa ginawa nila. "Sumama kayo samin sa Office Village." Sigaw ng isang security guard. At agad naman silang sumama.
Hindi pa rin makapaniwala si Jennica sa mga naranasan niya. Mas lumaki ang kanyang chance na buhay pa si Vincent. Hindi man niya ito nakita sa personal ay naniniwala siya na buhay pa ito at gumagala.
"BUHAY SI VINCENT! MAKINIG KAYO SAMIN!" Sigaw ni Jennica. Pero kahit anong sabihin niya ay hindi pa rin siya pinaniniwalaan. "Imposible yang sinasabi mo!" Sagot ng isang namamahala sa Village. "Paano mo naman nasabing imposible?" Biglang nagsalita si Luhan. "Hindi basta basta nakakapasok ang kung sino man sa lugar na 'to. Isa itong Exclusive Village. Tanging ang mga nakatira lamang maaaring makakapasok sa lugar na 'to."
Matapos marinig ni Jennica ang bagay na 'yon ay mas lalo siyang naguluhan. "Sino ang nag-tangkang magkulong samin sa lumang bahay? Sino ang gustong sumira ng pintuan namin ni Lola?" Paulit ulit na tanong ni Jennica sa kanyang sarili.
Maya-maya lamang ay biglang dumating ang lola ni Jennica at ang nanay ni Luhan sa Office Village. "Nako! Diyos ko talagang mga bata ito! Ano ba ang ginawa niyo!" Wika ni Gem. "Sorry po Lola. Gusto ko lang kasi malaman ang katotohanan." Dahilan ni Jennica. "HIndi na dapat mauulit to!" Wika ni Camille (Nanay ni Luhan). "Sorry po Mommy." Mahinang sinabi ni Luhan.
Maging si Guardian ay pinagalitan rin nang namamahala ng Eastshore Village. Habang sinasabihan siya ay bigla itong humirit. "YUNG MGA CCTV FOOTAGE!" Sigaw ni Guardian. Biglang napa tingin ang lahat sa kanya. "May isang CCTV Camera na naka-install sa harapan ng lumang bahay. Baka sakaling makita natin ang taong nag-kulong samin!" Wika ni Guardian.
Nagulat si Luhan sa narinig niya. Dahil ang buong akala niya ay walang CCTV Camera sa haparan ng lumang bahay pero mali siya. "Dapat nating i-play ang CCTV! Dali!" Muling sinabi ni Guardian. Agad na nag-tungo ang lahat sa Observation Room ng Village Office. Hinanap nila ang footage na naka tutok sa lumang bahay pero nagulat silang lahat!
NO CAMERA FOUND
Ang lahat ng camera ay gumagana bukod sa CCTV Camera na naka-lagay sa lumang bahay. "Imposible! Paano nangyaring hindi gumagana ang camerang iyon?" Wika ni Luhan. "Wag sanang magkatotoo ang iniisip ko!" Bulong ni Jennica. Biglang tumakbo si Guardian papalabas ng Village Office upang puntahan ang Camera na naka lagay sa lumang bahay. Biglang sumunod sina Jennica at Luhan sa kanya. Tumakbo sila ng mabilis patungo sa lumang bahay at muli silang nagulat sa nakita nila.
Ang camera ay umuusok. Maaaring hinampas ito ng isang matigas na bahay. Sirang sira na ito at mukhang hindi na mapapakinabangan. "Napaka talino rin pala ni Vincent ahh." Wika ni Jennica. "Paano mo naman nasabi?" biglang tanong ni Luhan. "Mukhang alam niya na pupuntahan natin ang bahay niya, kaya sinira niya na agad ang camera bago pa tayo pumunta dito." muling bigkas ni Jennica.
---
Hanggang mag-umaga ay hindi pa rin tumitigil si Jennica sa kakaisip. Hindi maalis sa isipan niya si Vincent. May isa pang bagay ang naglalaro sa isipan niya. "Ano kayang meron sa basement ng lumang bahay na 'yon?" sinabi niya sa kanyang isipan. Ang basement na lamang ang tanging lugar na hindi nila nalibot sa buong bahay. Maaaring may mga bagay na naka tago sa lugar na 'yon.
Bumangon si Jennica sa kanyang higaan at agad niyang binuksan ang bintana. Pinagmasdan niya nang maagi ang lumang bahay. "Malalaman ko rin ang lahat...." bulong niya. At habang tinititigan niya ang bahay na iyon ay bigla siyang nakarinig ng mga Police Cars sa 'di kalayuan. "Anong meron?" Wika niya.
Agad siyang tumakbo at lumabas ng bahay. Pinuntahan niya ang lugar kung saan may maraming police cars. Nakakita siya ng napaka daming tao. Hindi niya maintindihan kung anong meron sa lugar na 'yon. Nang bigla niyang nakita si Guardian. Nilapitan niya ito at tinanong "Anong meron dito?" tanong ni Jennica.
"Yung sikat na artista... Si Hilary ba yun?" -Guardian
"OO. Kilala ko yun? Bakit? Anong nangyari sa kanya?" -Jennica.
"Tatlong araw na kasi siyang nawawala. Hindi pa rin siya natatagpuan." -Guardian
"Hun? Paano nangyari yon? Ehh palagi ko yun nakikita sa Village na 'to." -Jennica
"Hindi ko nga rin alam ehh..." -Guardian
Muling bumalik si Jennica sa kanyang bahay at agad niyang binuksan ang TV. Kinuha niya ang remote control at inilipat niya ito sa News Channel.
BREAKING NEWS
"Ang sikat na artista na si Hilary Supnet ay tatlong araw nang nawawala! Pinag hahanap na siya ng mga pulis pero wala paring nakakakita sa kanya. Nakausap na rin ng mga ito ang mga kamag-anak at maging kaibigan ni Hilary pero ni-isa sa kanila ay walang nakakaalam kung nasaan na ba ang sikat na artista."
Nagulat si Jennica sa napanuod niyo. Nalulungkot siya nang malaman niya na nawawala ang idol niya. Maging siya ay walang alam kung saan na ba napunta ang idol niya kahit na magkalapit lamang sila ng bahay.
Kumuha si Jennica ng papel at ballpen at isinulat niya ang mga bagay na nakikita niya kapag nakakasalubong niya si Hilary.
______________________________
Simula nang lumipat kami sa lugar na to. Isang bagay lamang ang nakikita ko kapag nakakasalubong ko si Hilary. Palagi siyang nag jo-jogging tuwing umaga. Nililibot niya ang playground at minsan naman ay dumadaan siya sa street namin pero simula kahapon ay hindi ko na siya nakikitang nag-jo jogging.
______________________________
Biglang naalala ni Jennica ang kambal na bata na nawala sa kanilang lugar. "May kinalaman kaya ang pagkawala ni Hilary sa pagkawala ng dalawang bata?" Tanong niya sa kanyang sarili.
"Ay hindi... baka naman napa-paranoid lang ako. Napaka imposible nung iniisip ko." muling sinabi ni Jennica sa kanyang sarili.
---
Kinahapunan ay inutusan si Jennica ng kanyang lola na bumili ng pagkain sa Eatshore Mini Mart sa labas ng kanilang Village. "Bilisan mo iha ahh. Nang matapos ko agad ang pag luluto ng pagkain natin." bigkas ni Gem. Agad na naglakad si Jennica patungo sa labas ng kanilang village hanggang sa nakarating na siya sa labas ng gate. Nang bigla niyang nakita ang teddy bear shop. May nakita nanaman siyang malaking karatula sa labas ng tindahang iyon.
NEW ARRIVAL
LIMITED EDITION STUFFED TOY
Now Available starting today.
Napaisip si Jennica sa bagong stuffed toy kaya hindi na siya nagdalawang isip na puntahan muna ito bago bumili ng pagkain. Pagpasok niya sa loob ay bigla niya nanamang naramdaman ang napaka lamig na aircon. At sumalubong sa kanya si Ivan. (May ari ng Teddy Bear Shop)
"Ohhh. Napapunta ka nanamn dito ahh. Anong maitutulong ko sayo?" Wika ni Ivan. "May nakita akong karatula. May limited edition daw kayong tinda na stuffed toy." Napapa-isip si Jennica habang sinasabi niya ang bagay na 'yon.
"Ahhh oo nga pala. Sumunod ka sakin." -Ivan
At agad namang sumunod si Jennica hanggang sa nakarating sila sa isang lugar kung saan may isang stuffed toy na nakalagay sa loob ng salamin.
"Ito ang pinaka bago naming stuffed toy. Si Crystal. Mula siya sa pinaka malambot na tela."-Ivan
Kasing laki ng stuffed na yon si Jennica. Mas malaki pa ito sa stuffed toy na sina Chinky at Dinky.
"Kaka release lang ng stuffed toy na 'to kahapon." -Ivan
Napangiti si Jennica dahil napaka ganda ng Stuffed Toy na 'yon. Pero biglang may pumasok sa isip niya...
"Kahapon ang unang araw na hindi ko nakita si Hilary. At kahapon lang din pala na release ang stuffed toy na 'to?" bulong ni Jennica sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael