Pinagmamasdan ni Jennica ang mga Stuffed Toys sa loob ng kwarto niya. Masaya siya dahil nabili na niya ang mga bagay na gusto niya, salamat sa perang ipinadala ng kanyang mga magulang.
---
"Isusunod ko na yang Luhan na yan sa mga collections ko..." Bulong ni Vincent habang nagmamasid siya sa harapan ng bahay ni Luhan. Pero habang tinitignan niya ang bintana ng kwarto ni Luhan ay bigla niyang nakitang naglalakad sa gilid ng lakye ang napaka sikat na matinee idol na si Aries.
"Hmmmmmmm... Eh kung unahin ko kaya 'tong isang to." Bulong ni Vincent. At agad siyang lumayo sa bahay ni Luhan at nag-tago sa likod ng puno. Kumuha siya ng kapiraso ng kahoy sa damuhan at inihanda na niya ang kanyang sarili.
At habang naglalakad parin si Aries ay biglang sumugod si Vincent sa kanya at hinampas nito ang kanyang leeg! Nawalan ng malay si Aries sa sobrang lakas nang pagkakatama ng kahoy sa kanya. Agad namang hinila ni Vincent ang katawan nito papunta sa damuhan upang walang ibang makakita.
---
Dumilat si Aries nang makita niya ang kanyang sarili sa isang napaka dilim na kwarto na naka-tali ang mga kamay.
nang biglang bumukas ang mga ilaw.
Nakita niya ang mga stuffed toys na naka paligid sa kanya. Nang bigla niyang nakita si VIncent na may hawak na Lagari.
"Anong balak mo sakin? Please! Wag mo akong saktan... Wala akong ginawang masama sayo. PARANG AWA MO NA! PAKAWALAN MO NA AKO!" Umiiyak si Aries habang nagmamaka-awa kay Vincent.
Pero imbes na sumagot si Vincent ay wala itong ibang ginagawa kundi sumipol na lamang. Inilapag niya ang lagari sa mesa at kinuha niya ang napaka-habang chainsaw. BINUKSAN NIYA ITO at agad na sinugod ang kawawang si Aries. Pinutol niya ang kanang paa nito at napa-sigaw naman si Aries sa sobrang sakit. "Ano... mag mamaka-awa ka pa? Ang ingay mo kasi ehh. Hindi ako makapag-concentrate dito..." Wika ni Vincent.
At kinuha niya ang Alcohol at ibinuhos ito sa putol na binti ni Aries.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
NAPASIGAW ULIT ITO SA SOBRANG HAPDI AT SAKIT!
![](https://img.wattpad.com/cover/24514733-288-k575781.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael