Chapter 17 - Aftermath

1.5K 41 21
                                    

Nagkakagulo ang lahat ng mga tao sa loob at labas ng Eastshore VIllage, nagpupumilit ang mga media na maka-pasok sa loob upang maka-usap ang mga residente pero napaka strikto ng mga security guards at wala silang nagawa kundi manatili na lamang sa labas at mag-antay ng balita galing sa loob. Si Jennica naman ay nag-iisip pa rin kung sino ba ang nag-hagis ng mga granada sa kanila. Ang nakita niya lamang ay nang-galing ito mula sa loob ng lumang bahay. “May tao sa loob. Totoo ngang buhay pa si Vincent. Pero paano siya nakakapasok sa loob ng Eastshore? Napaka-Imposible! May kakaiba talaga sa bahay na ‘yon. Kailangan kong malaman ‘kong ano ‘yon.” Paulit ulit na isinisigaw ng saloobin ni Jennica. Tuluyan nang naka-alis ang mga bumbero at ambulance sa loob ng Village, nanatili na lamang sa loob ang mga pulis upang mag-imbestiga. Ang una nilang tinignan ay ang CCTV Footage. Nakita nila na may tumatakbo papunta sa play ground pero hindi nila namukhaan kung sino ito dahil sa sobrang bilis ng pag-takbo. May isa namang bata ang naka-saksi sa malagim na nang-yari sa playground. “Nakita ko po ang lahat nang nang-yari sa playground. Nananahimik lang po kami ‘don nang biglang may nag-hagis ng granada. Nakita ko na sumabog iyon sa ‘di kalayuan. Napaka-daming namatay kasama na po ang teacher ko. Wala po akong ibang nagawa ‘kundi tumakbo nalang, pero habang tumatakas ako ay bigla kong nakita kung sino ang nag-hahagis ng mga granada. ISANG LALAKI. Pero hindi ko na siya nakilala dahil napaka-layo ko po sa kanya. Meron siyang dalang bag. Siguro nandun yung mga ibang granada.” Narinig ni Ms. Carla ang mga bagay na sinabi ng bata. “Isa lang ang sigurado ko. Iisa lamang ang nag-hagis ng granada sa playground saka sa mga bulldozer.” wika ni Ms. Carla. Si Luhan ay napag-desisyunan na mag-tungo sa bahay ni Jennica upang kamustahin kung ayos ba ito. Pero habang naglalakad siya ay nakikita niya ang iilang mga residente na umaalis na sa lugar. At karamihan sa kanila ay ang mga mas nakaka-angat sa buhay.

“Ohh. Bakit ka nandito Luhan?” –Jennica

“Gusto lang kita makamusta. Buti naman at walang nang-yaring masama sainyo.” –Luhan

“Salamat Luhan ahh. May sasabihin pala ako sayo, wag ka sanang malulungkot ahh.” –Jennica

“Dalawang linggo nalang kami dito. Napag-desisyunan ng mga magulang ko na umalis na sa lugar na ‘to at mag-hanap ng ibang malilipatan. Natatakot sila para sa kaligrasan namin ni Lola matapos nila mapanuod sa CNN yung nang-yari sa Village natin.” –Jennica

“Ahh. Ganun ba. Sige. Mag-ingat sana kayo ahh. Saka wag mo ‘kong kakalimutan ahh. Hahaha!” –Luhan

Pabirong sinabi ni Luhan ang bagay na ‘yon pero hindi siya nakapaniwala sa mga narinig niya. Nag-paalam na siya kay Jennica at nguti. Pero nang pag talikod niya ay biglang nawala ang ngiti sa labi niya, agad itong napalitan ng kalungkutan. “Paano ko siya liligawan kung aalis na siya dito?” bulong ni Luhan sa kanyang sarili habang nag-lalakad pauwi. Agad siyang pumasok sa kanyang kwarto at nag-kulong. Humiga siya sa kanyang kama at napa-tingin sa maliit na lamesa. Tinitigan niya ang alikansya na may lamang mga barya. “Sayang lang pala ‘tong mga perang inipon ko. Bibilhan ko pa naman sana siya ng stuffed toy kapag liligawan ko na siya. Pero aalis na pala sila...” nawalan ng kompyansa sa sarili si Luhan. At mukhang tuluyan na siyang iiwan ni Jennica.

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon