Chapter 4

442 10 0
                                    

Imbes na lapitan si Kuya ay nagmadali akong lumabas ng unit at mabilis na sumakay sa elevator pababa ng basement.

Mabuti nalang at nakuhaan na ako ng driver liscence ni Prince noon kaya pwede konitong magamit sakali.. Umayos sa pagkakatayo ang dalawang bodyguards ng makita akong papalapit sa kotse.

"I'm sorry, gusto kong umalis ng mag-isa."

Nagtinginan sila bago magsalita ang isang matangkad na lalaki. I know him. He is Benson.

"Pero ma'am mahigpit po na ipinagbabawal ng Lolo ninyo at Sir Sirius na umalis kayong mag-isa." Kita sa mukha ng driver ang takot ng walang pag alinlangan kong kinuha ang susi sa kanyang kamay. Hindibagad siya nakapagsalira, dala ng takot at binigyan daan niya ako para makasakay habang si Benson at ang isang kasama ay lalong naging alerto.

"Ma'am Selena.. Malalagot po kami, maawa na po kayo." Pahabol ng isa.

Naawa man ako, pero kailangan ko tong gawin. Ayokong harapin si Kuya ngayon at ayokong makita niya akong nanghihina habang siya ay nagpapakalakas para sa akin. Galit na galit ako kay Daddy, halos isumpa ko na siya sa utak ko. Ilang tawag din ang naabot ko kay Kuya at sa mga pinsan na sigurado akong agad niyang tinawagan ng magsumbong na ang dalawa. Maging ako sa driving. Mas lalo pa akong naging mahusay ng madalas na wala si Kuya at isinasama ako ni Prince sa mga car racing na dinadaluhan niya kaya ng habulin ako ni Benson at ni Mill ay hindi manlang ako nahirapan na iwala sila.

Tumigil ako sa isang bar at desperadang magpakalasing, I can't trust Keb anymore. Mamaya ay magsumbong ulit at lusubin ako ng mga pinsan ko. Kinuha ko ang cellphone ko at naghanap ng pwedeng mapuntahan. Hindi ako nahirapan tuntunin ang Bar 66 gamit ang isang application sa cellphonen ko.

"Ma'am excuse me po, kailangan po namin ng i.d.." Pagharang sa akin ng security.

Nagdadalawang isip pa sana ako, hindi naman siguro delikado dahil gabi narin naman at ngayon lang kami magkikita ng guard na ito, wala naman siguro siyang alam sa nga de la Merced. Isa pa, tingin ko di na niya ako mamumukhaan.

Napatingin siya sa akin ng matanggap ang i.d ko, medyo kinabahan ako pero ng ibinalik sa akin at ngumiti ay nakahinga ako ng maluwag.

Kakalapag palang jim beam sa harapan ko ay sunod-sunod ng tumunog ang cellphpone ko. I know it's Kuya Sirius and ny cousins. Siguradong hindi sila makakatulog sa kakahanap sa akin at mahihirapan sila dahil walang nakakakilala sa akin.

It's okay. Ngayong gabi lang naman.

Hindi nawala sa isip ko ang mga sinabi ni kuya. He's right! Ang kapal ni Daddy. Paano niya nagagawa sa akin to'?

Kayang-kaya niya ipalilala si Kara ko habang ako ay parang naglalaro ng tagu-taguan? Baka naman magulat ako, at malaman na hindi naman pala talaga ako ang tunay na anak.

F*ck Selena!

Ano ba tong' pinagdadaanan mo!

Hindi ko na namalayan, napaparami na pala ang inom ko habang nagwawala naman ang isipan ko sa mga gustong sabihin kay Daddy at pati narin kay Mommy, maya't maya sila tumawag sa akin kahapon at ni hindi ako nag-abalang sagutin.

Hindi ko yata kayang magkayakap si Daddy at ang anak niya sa harap ng ibang tao at masayang nakangiti habang ako ay pilit nilang tinatago ni Mommy.

"Hi miss, pwede kabang sabayan?"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, sabayan? Saan? Ng umupo siya sa tabi ko at sumimsik.sa hawak na baso ay doon ko lang nakuha ang ibig niyang sabihin.

Hindi ako nagsalita, hindi naman ako sanay na makipagkaibigan sa mga lalaki maliban kay Prince at sa ilang lalaking kaklase ko noon sa ibang bansa. But now, maybe it's okay. Walang masama, nakikipagkilala lang naman.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon