Chapter 2

699 12 0
                                    

Dalawang araw na akong nandito sa Pilipinas pero hindi ko na maramdaman ang excitement tulad noong nasa Newyork pa.

Maliban sa takot ay napuno ng galit ang naramdaman ko kay Daddy at kay Mommy. Buong araw akong umiyak pagkatapos malaman ang lahat, naroon ang mga pinsan ko para damayan ako. Hinayaan nila akong umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na.

"Tulad ng napag-kasunduan, kailangan mong mag training. Hindi man nasasabi ni Daddy mamimili siya sa inyo ni Kara kung sino ang mamamahala ng Restaurant na pag-aari pa ng mga ninuno natin. It's a big thing Princess, pinangarap iyon ni Mommy sayo." Nakuha ko ang gusto ni Kuya at ni Lolo.

Gusto nilang ako ang magmana sa Kanza, pabor sa akin iyon dahil siguro totoong anak ako. Ngunit palaisipan din kung bakit hindi nila matanggap si Kara bilang apo. Mangiyak-ngiyak akong humarap kay kuya.

"Maganda ba siya?" Sabay na napasinghap ang mga pinsan kong nag-iinom sa aking harapan. Kay aga-aga jim beam na ang kaharap nila.

"Yan lang ba ang inaalala mo? Sana kahapon ka pa nagtanong." Agad na sinuntok ni Russ si Vinn sa sinabi. Malaking tulong ang mga pinsan kong kasama ko ngayon, at tama sila. Kung nasa ibang bansa ako at narinig ang ganitong balita ay baka kung saan na ako pulutin.

"Syempre ikaw ang maganda. Pwede ba namang siya? Orig ka eh." Lumapit si Kuya Reg sa akin at niyakap ako. Ngumisi naman si Kuya Sirius at ginulo gulo ang aking buhok. Tsaka ko lang na realize na hindi ako pwedeng mag mukmok at basta nalang magpapatalo sa Kara na yon'.

Pansamantala kong nakalimutan ang mga nangyayari, nagbabad ako sa cellphone habang kinukwento sa mga kaibigan ko sa states ang nalaman ko. Kung wala lang ang mga pinsan ko siguradong nasa inuman na ako ngayon at nagpapakasaya para makalimot. Ilang beses tumawag si Daddy sa akin pero hindi ko sinagot, sa sobrang galit ko sa kanya mamaya ano pa ang masabi ko.

Sunod na araw ay di ko na napigilan, maagang tumawag si Mommy at nagagalit kay Kuya dahil hindi daw ako sumasagot sa tawag. Hula nila ay hinayaan akong mag punta sa kung saan-saan at ayaw mahuli. Well, hindi ko sila masisi. Masyado kasi akong friendly, kaya madalas ay nasa mga kaibigan ako at wala sa bahay.

"Selena please. Talk to Mom..maghihinala na sila." Si Kuya Sirius at Vinn ang kasama ko ngayon, ang alam ko ay pumasok sa trabaho ang mga pinsan ko.

Padabog akong tumayo at hinablot ang cellphone ni Kuya ng muli itong tumunog.

Lumabas sa screen si Daddy kahit na ang nakarehistrong pangalan ay kay Mommy.

Kita galing sa likod si Mommy na mukhang abala sa pagliligpit ng mga damit at ng magsalita ako ay agad siyang lumapit sa tabi ni daddy.

"What?" Pinanlakihan ako ng mata ni Kuya.

"Selena, what the hell. Ni-nerbyos na ang Mommy mo. Where's your phone? Kahapon pa kami tumatawag. Kakagising mo lang ba? Papa told us na sa condo kayo ng Kuya Sirius mo natulog.. Ano lasing ka nanaman ba kagabi---"

F*ck. Anong tingin niya sa akin? Umuwi dito para makipag inuman?

Kasama sa mga plano ni Lolo ang dito kami tumira sa condo unit ni Kuya Sirius na bigay ni Kuya Ken. Si Kuya Ken ang nagmana ng De La Merced Tower, lahat kaming mag pipinsan ay mag kanya-kanyang unit dito. Maliban nalang kay Keb at Vinn na pinili ang sa Quezon Ave na branch. Ayaw ni Lolo na na naglalabas pasok kami ni Kuya sa mansyon at baka may makasunod na media. Hindi naman itinatago si Kuya Sirius ngunit delikado daw kapag may kumwestyon na kapag nakita kaming magkasama.

"Hindi ba pwedeng nagpapahinga lang at sinusubukan tanggapin ang mga pagkakamali mo Dad?"

Kita sa gilid ng mata ko ang sabay na pag lingon ni Vinn at kuya sa akin. Halos mapa mura si kuya sa sinabi ko, nagtinginan naman si Daddy at Mommy habang ako ay sinadyang wag bigyan ng ekspresyon ang mukha.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon