Chapter 8

469 11 0
                                    

Kinabahan ako ng makatanggap ng tawag mula kay Kuya Ken. Kakabalik lang namin ni Grenny sa opisina ng tumunog ang cellphone ko.

"Ang ingay ng phone mo Princess." rekalamo ni Lucy.

Pinabayaan ko lang siya at nagtinginan lang kami ni Grenny. She smiled, trying to say na "hayaan mo na."

"Princess umakyat ka dito sa opisina ko. We need to talk.." Shit! Sinumbong ba ako ni Keb?

"Uhm..Bakit? Busy ako." Pagdadahilan ko.

"We have a new client. Papunta na dito si Zach...Oh nandito na pala siya. See you."

Nagpaalam ako kay Grenny na may aasikasohin lang sa taas. Hindi narin naman siya nagtanong kung para saan, siguro mamaya ko nalang sasabihin sa kanila na may bagong client kami, medyo mahirap ang schedule ngayon dahil nag sabay-sabag ang event dagdagan pa ng "The Heirs."

Nariyan si Yvo. Hindi ko pa alam kung paano ako makikitungo sa kanya pagkatapos ng malalim na halikan.

Jusko Selena! Ano ba ang kayang gawin ng Kuya ko kapag nalaman niyang naglandi ako..

Nakasuot ng itim na polo shirt si Yvo, nakaupo sa harap ni Kuya Ken at nagtatawanan sila,kaya siguro hindi na napansin ang pagpasok ko. Ngunit ng maisara ko ang pinto at pareho silang napalingon sa akin. Agad na nagtama ang mga mata namin ni Yvo..

He smiled. Uminit ang pisngi ko. Agad kong napansin ang pagtaas ng kilay ni Kuya Ken kaya kumilos ako ng normal.

"Goodmorning Sir Ken, Sir Y-Zach.." itinuro ni Kuya Ken ang upuan na nasaharapan niya.

"May isang client na kumuha sa atin pero hindi sa hotel gaganapin ang kasal." Panimula ni Kuya.

"Maybe in our the restaurant po?"

Umiling si Kuya.. Kung hindi e saan?

"Somewehere in Iloilo.." Sumulyap siya kay Zach, sunod ay sa akin.

"Hindi pwede doon. Alam mong hindi na ako nagpupunta doon Ken, Pwedeng si Grenny at Keb."

Hindi pwede doon?Bakit naman?

"Zach biglaang event to, hindi pwedeng sila lang. Sasama din sila sa inyo ni Princess.." Napalunok ako.

"All staff will be there the day before the wedding. Pero kayo ay dapat makapunta na para makapag set ng meetings sa mga kailangan gawin, At Ikaw Princess you need to focus.. Kailangan mong matutunan ang pasikot-sikot sa trabaho nextmonth ay ililipat kana sa Kanza Resto. Zachary will train you bago siya maging abala sa nalalapit na engagement party at mmalagi sa kompanya nila."

Biglang sumama ang pakiramdam ko sa sinabi ni Kuya Ken pero hindi ako nagpahalata, ngumiti ako sa kanya at nagtanong kung may mailangan pa bang pag-usapan dahil marami pa akong gagawin. Hindi pa ako nakakasagot ay biglang nagbukas ang pintuan. Pumasok si Kuya Reg may kasamang dalawang babae, at si Vin.

Napataas ako ng kilay kay Vin. Trying to ask kung sino ang dalawa, mukhang sinampal ang mga mukha sa kapal ng make-up. Tinawanan lang niya ako kaya sa akin silang lahat napatingin.

"Uh.. Mauna na po ako---" Hindi pa ako tapos sa pagpapaalam ay bigla ng tumingin iyong babae. Kinuha niya ang palad ko at nilagay doon ang gamit na tisyu, sa gulat ay inihulog ko iyon sa sahig.

What the f*ck! Gamit na to ah.

"Ang arte naman ng babaeng to. Staff ka dito diba? Pulutin mo yan..." utos niya sa akin pero hindi ko sinunod.

"Ria wag mong ganyanin ang staff dito." Suway ni Kuya Reg.

Tumawa ang isang babae na parang binudburan ng asin at may papikit pikit pang nalalaman habang nagsasalita. " Ang sweet naman ng baby ko." Si Kuya Reg ang tinutukoy niya.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon