Imbes na lumiko sa elevator ay hinila ko si Honey papunta sa exit area sa palapag na iyon. Hindi na siya nagreklamo o nagtaka manlang. Mabait si Honey na ka trabaho, hindi siya mahirap kausap at inaamin kong mas gusto ko siya kaysa kay Lucy."Alam mo?Kailan pa?" I asked her.
She sighed. Tsaka ko lang napansin na medyo mahigpit pala ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. "I'm sorry." sabay bitaw.
"Pagbalik galing Ilo-ilo. Hindi ko aman na kompirma pero nagduda na ako sayo." Wala na akong magagawa. Ikinuwento ko sa kanya ang totoong dahilan, at ang mukhang madalas na nakabusangot na nakatingin sa akin at puno ng katanungan ay naging maaliwalas na ngayon. Emosyonal ako habang nagsasalita, pagkatapos ay mabilis niya akong niyakap.
"Huwag kang mag-alala. Wala akong pinagsabihan, ngayon mas pag-iingatan ko ang sekreto mo lalo na't buhay ng pamilya mo ang kapalit."
Nagpatuloy kami ni Honey sa Printing office at hindi ko inaasang magkikita kami ni Kara doon. Wala ako sa mood makipag-away kaya ng binati siya ni Honey ay sinunod ko nalang din. Ano pa ngaba magagawa ko?
Hindi siya sumagot. Mas mabuti na yon' dahil ayaw ko din naman siyang kausap.
Nagpatuloy kami sa ginagawa ni Honey, kausap niya ang isa sa mga mag pi-print ng invitation, samantalang ako naman ay tinitignan ang mga pangalan ng mga bisita. Hindi ako pamilyar sa ibang pangalan, kung narinig man siguro hindi rin napag-usapan. Ngunit kinabahan lang ako ng makita ang ilang pamilyar na mga naging kakilala sa Amerika. Yunng iba ay nakasama ko narin at naipakilala sa akin ng iilang kaibigan.
Napahilot ako ng sentido. Paano ba ako magtatago? Paano pag may nakakilala sa akin at bigla nalang akong lapitan sa gitna ng trabaho.
"Tss..Yan palang ang trabaho mo, mukha ka nang stress." Tumaas ang isang kilay niya habang natatawa.
Umayos ako ng pagkakatayo tsaka huminga ng malalim. Ayokong nakikipag sagutan dito dahil nasisira ang araw ko, pero kung talagang gusto niya iyong ganito palagi okay sige.
"Inaantok lang po Ma'am. Kagabi kasi nasa bar kami kasama iyong fiancee mo at mga kaibigan ko, diyan na po muna kayo. "
Namilog ang mata ni Kara sa sinabi ko. Nagpa-alam ako agad kay Honey na siya na muna ang bahala, kakausapin ko pa si Kuya Ken tungkol sa mga kakilala kong bisita na dadalo sa The Heirs. Sa labas na ako ng pinto ngunit rinig na rinig ko ang inis na pagpuutakk ng bunganga ni Kara. Nasa lobby ako ng marinig ang bulong-bulongan ng ibang empleyado ttungkol sa kumakalat na litrato, hindi pa pala natatapos yung isa may problema na naman ako.
"Ang ganda ng katawan."
"Pati kutis girl."
"Grabe tignan mo pa yung ngiti ..bakit kasi malabo na yung bandang itaas."
"Bakit naman tinatago itong babae na girlfriend ni Sir Ken?"
Napailing nalang ako at nagingiti sa mga naririnig. Natigil lang ako ng matanaw ang sekretarya ni Kuy Ken. "Anjan ba si Sir?"
"Opo Ma'am. Sasabihin ko pong narito kayo." Mabilis na ginawa ng seketarya na sabihin sa intercom ang paghanap ko at agad naman akong pinapasok ni kuya.
Agad akong naupo sa upuan na nasa harap niya at sumandal. "Ang sakit ng ulo ko." Nilapag niya ang papel na binabasa at sa akin diretsong tumingin.
Hindi ko na kailangan sabihin kay kuya kung bakit dahil sa mukha niya ay nabasa niya na ang mensahe ko at siguro nakita na ang tinutukoy ko. Hindi lang agad nakapag-reply dahil sa abala. Tumayo si Kuya Ken at lumipat sa upuan na nasa harapan ko lang din. Nasukyapan ko ang pagkain na naiwan sa lamesa niya, maaga siya sigurong pumasok at dito narin nag-almusal.