Lahat na yata ng nakakasalubong ko dito ay napapayuko na para bang takot silang titigan ko at ang ibang babae na nakasabay ko sa elevator ay nagbu-bulongan, halatang ako ang pinag-uusapan dahil sa akin nakatingin.
Hindi pa kami nakakapag-usap ni Kuya Sirius tungkol sa nangyari kagabi. Hinayaan niya akong makasama si Seiko at kahit na sobrang lasing ako ay hindi manlang ako pinagalitan. Wala siyang ibang sinabi kundi ang salitang "trust me."
Tahimik lang ako sa kotse habang pauwi kami, kahit sukang-suka na ako ay hindi ako natulog, syempre nasa wisyo pa ako. Masyadong pasensyoso sa akin si Kuya, tanging mabibigat lamang na hininga ang pinapakawalan niya sa tuwing sinusulyapan ako, I know he's worried. But I'm not that strong like him. Akala ko sapat na ang pagiging matapang ko, pero hindi pala. Mabilis akong masaktan, umiyak at magdamdam.
"Princess, bakit ka pumasok? Sana nag-absent ka muna." Salubong ni Grenny sa akin sabay hila papasok sa aming opisina.
Nilapag ko muna ang bag ko bago siya hinarap, ngayon ay nakasilip siya sa labas tsaka isinara ang pintuan.
"Grabe absent agad. Bakit naman? Wala naman akong sakit ah, isa pa madami akong gagawin ngayon.. May reservation tayo Grenny, this is my first project. Hindi mo ba alam?" Excited kong sabi. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko ng may hindi manlang kumatok sa pinto at muntikan ng matisod papunta sa akin si Grenny sa biglaang pagbukas nito.
"I'm sorry." Nanlamig ang katawan ko ng marinig ang boses niya, agad kong pinagmasdan ang mukha niya na mala anghel.
Taas baba akong tinignan ni Kara, kung hindi lang nagsalita si Grenny ay baka hindi ko siya maurungan sa tinginan.
"Goodmorning Ms.Kara, Anything po?" Masyadong hatala ang boses ni Grenny sa sobrang kaba ngunit di ito pinansin ni Kara dahil hindi manlang niya naialis ang tingin sa akin.
Does she know me? I'm not sure pero bakit ganyan siya makatingin?Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon, jusko! Patawrarin ako ng Mommy niya at masasaktan ko siya.
Kuya Reg was right. She's beautiful. Sa tindig niya halatang may pinag-aralan at nakakataas noo kausapin. That's why Grenny got nervous? Jusme! I can tell her that she's pretty pero alam ko din namang may laban ang ganda ko.
Hirap na hirap akong ngumiti para batiin siya, gusto ko ng kausapin ang babaeng ito at sabihin na wag siyang umepal sa buhay namin, sa pamilya ko. Siguro nga masama na kung masama, pero nagpapakatotoo lang ako.
"You are Princess right?" agad niyang tanong. Hindi manlang pinansin ang pagbati namin ni Grenny sa kanya.
Tumaas ang isang kilay ko sa kanyang tanong. Medyo nagulat si Grenny, umiling siya na parang may gustong sabihin pero hindi masabi ng dahil sa takot.
"Yes, how can I help you?"
Pagkasabi ko no'n ay bigla nalang niluwa ng pintuan si Zach, I mean Sir Zach.
"Kara, please let's talk in my office--" sinubukan siyang hinila Sir Zach pero hindi manlang siya nagpadala, tsaka ko lang napansin ang ekspresyon ng mukhang pinapakita niya sa akin ngayon. Galit ba siya? bahagya akong napaangat ng kilay.
"Ikaw ang babaeng kasama ni Zach kagabi? Hindi mo ba alam na viral ang picture niyo habang pinapakilala ka niyang girlfriend?"
Oh! Kaya ba sinabi sa akin ni Grenny kanina na dapat nag absent nalang ako? Eh sino naman ang magpapakalat ng litratong yon'. Ni hindi ko nga napansin na may kumuha ng picture namin eh. Oo nga pala, masyasong mabilis ang pangyayari at hindi ko na nabigyan ng pansin ang paligid.
Paano kung may makaalam na de laMerced ako? Ano ba talaga ang mangyayari?
Napatingin ako kay Zach ngayon, ni hindi niya manlang ako nabigyan ng pagkakataon na magsalita ng sinubukan niya muling hilain si Kara palabas. "Kara please, let's talk outside."