Chapter 14

437 12 2
                                    

Hindi na ako pinayagan na sumama sa emergency room. Pero bago tuluyang makapasok si Yvo ay pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang kamay. "Okay lang ako, ang mahalaga ay hindi ikaw ang natamaan." Parang kinusot ang puso ko sa sinabi niya, hindi pa ako tuluyang nakilala pero bakit ganito nalang siya kung mag alala sa akin.

Nakasunod lang ang sasakyan ni Allen sa ambulansyang sinakyan namin kanina, kaya ng makapasok si Yvo sa loob E.R ay siyang dating niya. Napayakap agad ako sa kanya.

"I'm sorry Allen, ng dahil sa akin ay may mga nadamay, may natakot at nasaktan.. I'm sorry. Kakausapin ko si Lolo, Gusto kong makilala kung sino man ang gumagawa nito sa akin at matigil na siya.." Muling nagkalat ang mga armadong lalaki sa labas ng E.R, kasama sila ni Allen, tahimik lang silang nakapalibot sa amin ngunit hindi ako naging komportable, para bang may mangyayari muli na hindi maganda.

"Tell them to get out. Natatakot ang ilang naririto Allen." Dagdag ko.

"No Princess, This is your Kuya Ken's order. Naghinala na silang tuluyan na isa ka nga sa mga tauhan dito sa DLM. Dahil sa may mga lumaban sa tauhan ng nga Mercado. Hindi pa sigurado pero mukhang alam na nila na ikaw si Selena, wala palng katibayan pero nakiusap ang Kuya Ken mo na bubuntot lahat ng tauhan sayo kahit saan ka magpunta..." Tumikhim siya at pumikit bago muling magsalita. "Utos ng Kuya Sirius mo na layuan mo si Zach, ang doktor na ang bahala sa kanya.."

Umiling ako at sinulyapan ang E.R kung nasaan ngayon si Yvo.
"No, I can't. Napahamak siya ng dahil sa akin, dapat lang na nandito ako. Kakausapin ko siya."

Lumabas ako ng hospital at naupos sa malapit m bench. Naramdaman ko ang pag sunod ni Allen at ng ibang tauhan pero di ko na sila inintindi pa.

"F*ck. Are you okay?" Bungad ni Kuya. Bakas sa boses niya ang sobrang pag-alala.

"I'm okay. Si Yvo ang may tama." Hininaan ko ang boses ng bangitin ang pangalan ni Yvo dahil baka marinig ni Allen.

"What the hell Selena. What are you talking?" Medyo gulat niyang tanong ngunit halata ang pagkukunwari.

I sighed. Ang traidor kong luha ay muling tumulo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nila inilalayo o tinatago si Yvo sa akin. All this time, I don't know what to do. Kung lahat nalang ng nalalaman ko ay laging may pasabog paano pa ako tatayo at lalaban?

"You told me you'll help me to find him, right?What happened kuya?Anong nangyagari ba at pati ikaw ay naglilihim sa akin. Alam mo naman kung gaano ko siya kagusto--"

"That's the point. You like him at ikakasal siya kay Kara. Stay away from this Princess please at baka mas lalo kang mapahamak."

Lumingon ako kay Allen, may kalayuan sila sa akin kaya panatag ako na hindi niya ako naririnig. Nakipagtalo ako kay kuya sa gusto niyang mangyari kahit alam niyang hindi ko siya susundin. Kahit gaano ko kagustong malaman ang pinagsimulan nito ay mukhang mahihirapan ako dahil lahat sila ay may itinatago. Lumipas ang dalawang oras, bumalik ako sa loob ng hospital at naghintay sa paglabas ng doktor,

Narinig ko ang sabi ng isang bantay na darating ang pinsan ko sa hating gabi. Pinililit ako ni Allen na bumalik sa hotel ngunit nanatiling buo ang desisyon ko.

Mahigpit kong hinahawakan ang kamay ni Yvo, nailipat na siya sa pribadong kwarto pagkatapos ng operasyon.

"I'm sorry." Naiiyak kong sambit.

Napasinghap si Allen na ngayon ay nasa likod ko lang. Pinakiusapan ko siyang huwag magpapasok ng kahit sinong bantay sa loob ng kwarto ni Yvo, dahil gusto kong mapag-isa. Pumayag naman siya maliban sa isang kondisyon, tahimik siyang nakasubaybay sa akin.

I have no choice. Alam na niyang ako si Selena at hindi ko rin kayang magpanggap ngayon sa harap niya na hindi nag-aalala kay Yvo.

Hinayaan lang ako ni Allen na umiyak, hanggang sa magising na lamang sa isang halik sa aking ulo. Di ko na namalayang nakatulog na pala ako habang hawak-hawak ang kamay ni Yvo.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon