Hindi ako kumibo, ipinasok niya ako sa loob ng kotse ng hindi nawawala ng ngiti sa mga labi.
Lalo akong niinis.
Nahihibang naba siya? Nakakita lang ng mga magagandang babae ay parang nabaliw na.
"Hindi pa ba tayo aalis? O baka naman naiwan ang kaluluwa mo sa loob. I told you, kaya kong bumalik sa hotel.." Mas lalo lang lumapad ang ngiti niya. Hindi na ako nakapagpigil hinampas ko siya ng bag ko. Mabuti nalang at mahina, medyo natauhan ako doon.
Ano ba ang ginagawa ko? I bit my lower lips.
"What's wrong huh? You can tell me. Hindi iyong nanghahampas ka." Dismayado niyang sabi, na guilty ako bigla sa ginawa ko. Pero ng muli siyang ngumiti ay huminahon ang puso ko. Pakiramdam ko kasi anytime mauubusan na ako ng hangin sa sobrang kabog ng puso ko.
"May nagawa ba akong mali? Bigla ka nalang naging masungit.."Nariyan parin ang mapaglarong ngiti niya pero hindi ako nagpaapetko.
Bakit nga ba ako naiinis sa kanya? Alangan naman sabihin ko,na hindi ko nagustuhan ang pag ngiti-ngiti niya sa mga babaeng yon'. Hell No! Why would I?
"Are you jealous?" Hindi ako nakasagot agad. Nagkunwari akong walang narinig dahil di ko rin naman talaga alam ang isasagot ko.
"Princess. I'm asking."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "At bakit naman ako magseselos? hindi mo naman ako girlfriend at di hamak naman na mas maganda ako sa mga babaeng yon Sir.."
Imbes na inisin ko siya ay lalo pa siyang natawa sa sinabi ko. Naramdaman ko na ang lamig na nanuot sa aking katawan galing sa aircon pero mukhang wala parin siyang balak na umalis kami.
"Mali ang tanong ko. Dapat pala bakit ka ngaba nagseselos?"
Sasagot na sana ako ng bigla niya nalang idiniin ang mga labi niya sa aking mga labi. Nagsiliparan ang lahat ng inis na naramdaman ko, ang mga salitang ibabato sa kanya dapat ay parang nadurog sa aking lalamunan. Umurong ang aking dila at sa matamis niyang halik.
Hindi man ito ang kauna-unahang halik niya sa akin pero parang ganoon na nga. I never experience kissing someone, pero sa ilusyon na kahalikan ko si Yvo. Nakakahiya man ngunit hindi ko iyon itatanggi.
Bahagya akong nawala sa sarili, gumanti ako sa kalmado niyang halik. He groaned. Lumapit pa ng kaonti sa akin si Yvo, ang kanyang kanang kamay ay dahan-dahan niyang inilagay sa aking batok habang ang isa ay nasa aking pisngi. Tumagal ng ilang minuto ang halikan na iyon, kung hindi lang kami parehong naubusan ng hangin ay tiyak na walang gustong tumigil.
Halos dumugo ang labi ko ng dinampian niya ako ng halik sa noo.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi pa ako umabot ng isang buwam dito pero bakit sobra-sobra parin ang pagmamahal ko na nararamdman sa kanya. And what about him? Ni hindi pa niya kilala ang buong pagkatao ko...
Imposibleng alam niya na ako si Selena.
"Ayokong madaliin ka. I'm sorry."
Hindi ako galit, kung alam lang niya kung gaano ako kasaya ngayon. Kaya laking gulat niya ng napangiti ako. Bahala na, wala na akong pakealam kung ano ang isipin niya.
"I'm sorry too..And yes, nagselos ako."
Hindi ako makapaniwalang nasabi ko ang linyang iyon kay Yvo. Hirap akong nakatulog kagabi at ngayon ang aga ko namang nagising. Kakalabas ko lang ng banyo pagkatapos maligo ng tumunog ang cellhpone ko, nung una akala ko si Allen lang dahil ilang beses na siyang nagtext sa akin kagabi ngunit di ko manlang nireplyan. Kinulit din ako ni Keb pero agad din namang tumigil ng kay Seiko ako nag reply.