Chapter 19

589 14 11
                                    




Hindi ko alam kung bakit walang maraming tanong si Kuya Sirius ng umuwi ako kinaumagahan. Half day lang ako papasok ngayon.

Sa dating tirahan ako dinala ni Yvo doon ako bumaba wala pang limang minuto ng umalis siya ay dumating naman si Kuya Garry.

Umiiyak ako ng iniwan ni Keb, nakatulog nalang ako basta sa sala at nagising na lamang sa malambot na higaan ni Yvo. Nakita ko kaagad ang damit na nakahanda sa sofa, hindi ko napigilan ang sarili ng makita ang iba't-ibang size ng underwear na nakalagay doon. Dahil siguro hindi niya alam kung ano ang kasya sa akin at hindi manlang nag alangan na tanongin pa ako.

"Sinabi sa akin ni Keb na nandoon ka kay Seiko natulog." Napaangat ako ng tingin kay kuya, nagkakape siya habang ako naman ay pinipilit na kainin ang hotdog na nakahanda sa lamesa.

Iyon pala ang sinabi ng pinsan ko kaya hindi na nangulo si kuya, siguro mas naisip niyang mas mabuti na magpalipas ako ng gabi doon. Kinuwento ni kuya sa akin kung gaanong nasaktan si Mommy para sa akin kahapon ngunit hindi ako sumagot. Tumikhim siya, hudyat na sumuko sa pakikipag-usap sa akin. Inilapag niya ang dyaryong hawak at tsaka muling bumaling sa akin.

"You need to prepare Selena. Magsusukat ka ng damit para sa The Heirs."

Kumuno ang noo ko. Bakit naman ako magsusukat? "Hindi ba at naka-uniporme kami..." Nanlaki ang mga mata ko, hindi matago ang ngiti. Ilang beses  kong pinangarap na makasali sa event na yan dahil sa kuryusidad ko sa tuwing dumadalo ang iilang kaibigan na nasa Amerika.

"You mean..."Napatayo ako ng tumango si kuya. Lumapit at agad siyang niyakap. "I suggested it. Para sayo, lahat ng empleyado ay magsusuot ng gown. Natawa silang lahat noong una pero ng sinabi ko kay Kuya Ken na para sayo ay agad din naman silang pumayag."

Nagmadali akong naligo, ni hindi ko na nga pinatapos ang sinabi ni kuya sa kakamadali kong pumasok sa kwarto. Mabilis akong natapos at ni hindi ko na naalala ang kung anong oras kami ni kuya umalis ng condo niya.

Noong una akala ko ay traffic lang kaya medyo matagal ang biyahe namin, ngunit ngayong nakita ko ang ilang sign ng papunta a Batanggas ay nagtaka na ako.

"Kuya akala ko ba magsusukat ako ng damit?"

"Nasa Batanggas si Liza, Hindi kayo pwedeng magkita lang sa Manila. Alam mo naman  na kilala siya dito sa Pinas Selena. Isa pa hindi ka agad magsusukat, Wala kapang napipili na disenyo hindi ba?"

Gosh! Oo nga pala, bakit ko nga ba kinalimutan yon. Sobrang gaan na ng pakiramdam ko ngayon, kasama ko si Yvo kagabi at ngayon naman ay solo kong kasama si kuya. Pagkababa ay agad kong nakilala si Liza, nakaupo siya habang kausap ang isa pang magandang babae. Hindi ito ganon katangkad ngunit hindi mo rin naman masabing pandak.

Nag-iba ang mukha ng babae ng makita kami ni kuya na papalapit na siyang dahilan ng pagkabaling ni Liza sa amin. Her eyes widened.

"Lalong gumanda dito sa Pinas huh?" Bati niya  sabay halik sa aking pisngi. Nag alinlangan pa akong tangalin ang salamin na suot ko dahil hindi baka makilala ako. Sinulyapan ko si kuya para sana sa premiso ngunit hindi naman siya sa akin nakatingin, kundi nasa babaeng kaharap namin.

"Liza I have to go. Kapag nasa Manila kana don't forget to call me.." Aniya ng babae.

"Hindi na kailangan ipaalala Callisia. Of course I'll call you." Hindi na nagsalita, ngumiti lang sa akin at ilang na tumingin kay kuya bago umalis.

Kilala at sikat na designer si Liza sa states lalo na sa mga fashion show at wedding. Siya ang madalas na kinukuha ni Mommy sa mga event na napupuntahan niya sa ibang bansa at kung minsan dito sa Pilipinas.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon