Medyo bumalik na ang lakas ko ngayon, ilang oras narin akong nagising ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita ang babaeng tumulong sa akin.
"I want to see her." Sabi ko kay kuya na hanggang ngayon ay hindi maialis ang pag-aalala sa mukha.
Hindi pa kam nakapag-usap ni Mommy at Daddy ng maayos pero nasa mabuti narin naman ang relasyon namin. Nangako si Daddy na sasabihin sa akin ang lahat kapag nakalabas na ako sa hospital sa ngayon ay mas kailangan ko ang magpahinga para makalabas agad.
Hindi parin nagkulang sa tauhan si Lolo. Ang sabi ni Seiko ay hindi daw agad nakakapasok ang mga nurse at tanging doktor ko lang ang pinapayagan sa ano mang test na ipapagawa.
"Wala pa siyang malay Selena. Pwede magpahinga ka nalang muna jan?" Bumaling si Kuya Sirius kay Yvo. Tahimik lang itong humarap sa akin, sa huli ay huminga ng malalim at tsaka naupo sa aking tabi.
"Ako na ang bahala sa kanya. Puntahan mo si Callisia." Supladong lumabas si Kuya Sirius. Hindi ako makapaniwalang nauutusan na siya ngayon ngli Yvo. Gusto ko sanang matawa sa inasta nila pero pinigilan ko nalang.
Naging casual kami ni Yvo sa isa't-isa hindi ito ang tamang oras para pag-usapan namin ang relasyon namin ngunit nararamdaman kong nag-aalala siya para sa akin. Simula kaninang umaga ay siya lang ang hindi umalis dito sa hospital. Nagsiuwian na ang pamilya ko ngunit siya ay nanatili.
"Medyo hindi maganda ang kondisyon ni Callisia, kaya hindi pa siya nagigising. Pero natural lang daw iyon dahil sa operasyon niya sa kamay." Ramdam ko ang pag-iingat ni Yvo sa kanyang sasabihin para hindi ako maguilty pero hindi parin maiwasan yon dahil alam kong ako ang dahilan kaya siya nandito ngayon sa hospital kasama ko.
Kahit alam niyang may pagkakataon siyang tumakas ay hindi niya ginawa. Nanatili siyang matapang na kasama ko, at kung hindi lang siguro napuruhan iyong kamay niya ay mas lalo kong makikita kung gaano siya kagaling makipaglaban.
"I want to see her. Please Yvo!" Umiling siya. Tumulo ang luha ko, nakokonsensya! imbes na ako ang kritikal ay siya pa itong napuruhan.
Muli ako nakaidlip at ng magising ay nakahanda na ang hapunan. Alas siete na ng gabi, nagising ako na wala parin si Kuya Sirius at si Yvo lang ang nandoon, nakatalikod siya sa akin habang inaayos ang lagayn ng tubig. Masaya akong pinagmamasdan siya sa ginagawa. Kahapon lang ay halos isumpa niya ngunit tignan mo nga naman ngayon. Halos dito na tumira kasama mo.
May mga bagay talaga at pangyayari dito sa mundo na hindi natin inaasahang mangyayari sa hindi inaasahang pagkakataon.
Wala pa akong balita kung ano ang nangyari sa kanila ng ama niya dahil ramdam ko din na ayaw nilng magkwento o ipaalam sa akin.
" Ang bango.." Napalingon si Yvo sa akin, Hula ko ay mushroom soup ang kakainin ko ngayon.
"Gising na ang prinsesa." Wika niya sabay lapit sa akin at hagkan ang aking noo.
Gusto kong magtakio ng mukha sa sobrang kilig! Baka naman panaginip to! Hindi naman kaya?Umuusok yung mushroom soup eh.
Hindi ako makatingin ng diretso sa mata ni Yvo, titig na titig siya sa akin kaya ng umiwas ako ng tingin ay humalakhak siya.
"You're cute when you are shy." Natawa ulit samantalang ako ay todo iwas parin. "Anong shy!Hindi ah, asa ka naman. Saan si Kuya??" Pag-iiba ko ng usapan.
Kinuha ni Yvo ang pagkain ko at inayos sa tray sa lamesang nasa gilid ko. Sinundan ko siya ng tingin sa ginagawa. Napansin ko ang isang bag at may damit na nakapatong pero hindi narin ako nagtanong kung kanino yon.
"Nandito siya kanina kasama ng Daddy at Mommy mo. Pauwi na sila ng magkamalay si Callisia kaya nagpaiwan ang Kuya Sirius mo para matignan ang kalagayan niya."