Chapter 20

432 19 9
                                    


"Escort her.." Sigaw ni Kuya Sirius sa isang guard. Pinagtinginan kami ng ilang tao.

Sumabay ako sa apat na bantay, hindi na kailangang magpaliwanag ni Kuya Sirius dahil alam kong kailangan na namin makabalik sa sasakyan ngayon.

"Noted! Sa white van sasakay si Ms. Selena." Sigaw ng isa, napasigaw halos lahat ng babae ng may nagpaputok. Kitang-kita ko ang tingin sa akin ni Kuya Sirius na nag-aalala parin, ngunit sa mukha niya ayaw niyang tumigil ako sa paglalakad.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang umiiyak na binabaybay ang daan. Nagkagulo na sa loob, may umiiyak na mga bata at sari-saring sigaw. Hindi natigil ang putukan. Sa sobrang takot ay napabilis ang takbo ko, ni hindi ko manlang napansin na napalayo na ako sa mga bantay ko. 

Lumiko ako pagkalabas ng mall, kanya-kanyang takbo na ang lahat. Tanaw ko na ang puting van na tinutukoy, dahil sa plate number at nakatayong lalaki na suot ang parehong uniporme ng mga guards ko ay tatakbo na sana ako ngunit mabilis din na natigil ng marinig nag isang iyak ng batang lalaki.

"Missss..Bilis.." Sigaw ng guard ng makita ako pero imbes na sundin ay tumakbo ako sa kinatatayuan ng bata. Umabot na ang putukan sa exit banda kaya hindi na ako makabalik sa van kahit pa sinubukan akong habolin ng guards ko ay delikado na dahil makikita na ako ng mga tauhan ni Madrigal.

"Yung Mama ko po at kapatid nasa loob pa.." Sinubukan ko siyang patahanin. Lumiko kami sa isang kotse at doon pansamantalang nag tago. 

"We will find them. Stop crying first please! Natataranta nadin ako." Mabilis kong kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Kuya Garry. Kailangan mapalapit sa amin ang sasakyan para mabilis kaming makatakbo. Hindi humupa ang sigawan at putokan. Naisip ko narin sa loob si kuya.

Isang pamilyar na kotse ang dumating, hindi agad nakababa iyong nasa loob. malamang nakita na ang nangyayari. Sunod-suno na ang mga pulis, hindi man namin nakita ngunit naririnig naman. Umalingaw-ngaw pa ang boses ni Kuya Garry. "Find her and protect her.." 

Napapikit akong muli, naalala ko si kuya. Bakit siya nagpaiwan sa loob? 

"Ikaw yung kasama ni Sirius de la Merced hindi ba?" Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Isang lalaki na nakasauot ng bonet na itim, habang nakatutok ang baril sa amin ng bata.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo.Please leave us..maawa ka.." I shouted at him. Lalong lumakas iyong iyak ng bata, niyakap ko siya at ibinaon ang mukha sa aking tiyan para hindi makita pa ang baril na hawak ng lalaki.

Bago pa muling magsalita iyong lalaki ay tumilapon siya sa kabialng kotse. 

"Yvo." Tawag ko sa lalaking dumating.

"Are you okay?" He asked, ngunit mabilis din na binalingan ng tingin iyong lalaki na may baril at sinipa sa ulo. Dumating ang guards ko, dinampot at ginawaran pa ng ilang suntok ang lalaking nakahiga at mukhang wala ng malay. 

"Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko. "Hindi ka dapat nagpunta dito. muntikan ka ng--"

"That's bullshit! Saan si Sirius?Bakit ka niya dinala dito at ngayon nag-iisa kang takot na takot  habang nagtatago.

Nagsalita iyong bata na kasama ko, Oo nga at kaialngan niyang mahanap ang mga magulang niya. "Hindi na kayo dapat lumayo ng tinawag kayo na sumakay sa sasakyan.."Napatingin iyong guards kay Yvo bago ipagpatuloy ang sasabihin.. "Miss..mahirap na at delikado, mukhang madami ang gustong mangulo dito sa mall."

"Sino ba kayo? Kaninong security team kayo?"

Walang sumagot kay Yvo. Ginamit ko yong bata para matakasan ang pang-usisa ni Yvo. Marami nga ang naidampot ng pulis sa mga nakikita kong naglalakad papunta sa patro. Wala pa akong nakitang idinala sa ambulansya na tauhan namin kaya medyo nakampante ako.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon