"Tumahimik ka." Sigaw ng lalaki sa akin.Naiinis kasi ako, ang sakit ng pagkakatali sa kamay ko. Ayoko pa namang magka peklat!
Pero syempre kailangan kong mag-isip ng gagawin.. Sinubukan ko pang higpitan ang pagkakatali sa likod paransiguradong mamula ang kamay ko. At hindi ako nagkamali, ng muli akong nagreklamo ay nag-desisyon ang lalaking nag babantay sa amin na luwagan ang tali ko.
Nagkatinginan kami ni Callisia. Nag-aalala parin ako sa kanya, tiyak na mapapahamak ako lalo kapag nasaktan siya at may mangyaring masama. Umiling siya sa akin, sinusubukan akong pigilan sa gustong gawin. Matalino siya at alam agad ang plano ko. Hindi na ako nag dalawang isip na tadyakan ang lalaki ng bahagya niya ng nakalas ang pagkakatali sa akin.
Napadaing siya sa sakit at nagpaikot-ikot sa sahig.
Mabuti nalang at siya lang ang naiwan, sa dami ba naman ng tauhan ay wala akong alam kung bakit siya lang ang nasa loob ng kwarto.
"Anak ng..." Mahina niyang sabi. Kinuha ko ang sirang upuan sa gilid at muli siyang hinampas sa ulo. Nang sinubukan lumaban ay sunod-sunod na ang pagkakapalo ko sa kanya.
"I'm sorry Callisia. Hindi ko alam na madadamay ka ng ganito ka delikado.."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Faster! Mas magiging madali kung mapakawalan mo ako.. Kailangan kong palitan ang tali sa tama ko."
Nanlaki ang mata ko. Shit! Oo nga at may tama siya, bakit ba hindi ko kaagad yon naisip. Nang matangal ko ang tali ni Callisia ay nagawa pa naming palitan ang tela sa kamay niya.
Damit ko na ang pinunit ko. Nauna siyang lumapit sa pinto, sinusubukan akong protektahan sa kung sino. Sobrang hanga ako sa katapangan niya. Kanina ay nagawa ko pang umiyak sa sasakyan pero siya ay di ko manlang narinig na umimik.
Lalabas na sana kami ng may parating. Dalawang lalaki na may hawak na pagkain, napatingin sa gawi ko si Callisia. Alam ko na ang gustong gawin, pumwesto siya sa likod ng pinto at ako naman ay bumalik muna sa inuupuan kung saan naitali kanina. Pagkapasok ng dalawa ay agad na nabitawan ang hawak na plato, nilapitan agad ang kasamahang nakahandusay at ang isa naman ay sa akin lumapit.
Mabilis na kumilos si Callisia, naisipa ang isa at ang isa ay sinaksak ng tinidot.
Sabay silang napamura. "Let's go.." Hinila niya ako. Patapon niyang binigay sa akin ang isang baril, hindi ko napansin kanina siguro ay nakuha niya sa dalawang lalaki.
May konting kaalaman ako sa paghawak ng baril pero hindi ako sigurado kung may talento ba talaga ako. Madalas akong nakakasama ni Prince sa ganitong laro sa America yun ngalang ngayon ay totoong kalaban ang kaharap ko.
Lakas loon kong kinasa ang baril, nakasunod kay Callisia halos mabingi ako sa sunod-sunod na pagpapakawala niya ng bala. Mabuti at nahila ako sa isang dako kundi napuruhan na kami.
"Alam kong hindi ka maka relax. Pero pareho tayong patay kapag natamaan ng bala."
Tumango ako. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Naging mapagmatyag ako siguradong paratingpa ang iba dahil sa narinig na ingay.
Tama nga, di ako makapaniwalang sobrang galing ni Callisia humawak ng baril. Ganon din ako, halos lahat ay natatamaan ko. Iyon ngalang ng maubusan kmi ng bala ay pareho kaming walang nagawa kundi ang makipag laban sa mga ito.
Marunong ako sa Martial Arts hindi narin ako nagtaka na pati si Callisa ay magalind dahil halata ba sa mga kilos niya. Ilang beses kong naiwasan ang sipa at suntok ng kalaban ngunit ng napasigaw si Callisia ay naagaw na ang atensyon ko.
Napiga ang kamay niyang may sugat kaya halos maligo siya sa saeiling dugo. Agad ko siyang dinaluhan. Napaikotan kami ng mga tauhan nila Kara, mas iniisip ko ang kapakanan ni Callisia kaya wala na akong panahon para makipaglaban.