"Tay nasan ka na?"
Boses ng kausap ko sa kabilang linya.
"Kailangan ko ba talagang pumunta?" Sagot ko habang nagpipigil sa paghinga.
"Oo, naman. May reunion bang hindi kumpleto?" Sagot n'yang mababakas ang lungkot sa kanyang boses.
Bumuntong hininga nalang ako.
"Deans, ang tagal na natin hindi nagkikita kita. Ngayon nalang ulit mabubuo ang barkada, mang-iinjan ka pa?" Mababakas mo sa boses nya ang pagkadismaya.
"Sige. Pauwi palang sana ako. Galing ako sa work, dederetso na ko dyan, text mo nalang yung address."
"Yes. Salamat talaga, Tay. The best ka talaga. Hihihi," masigla nyang sagot sakin.
"Sige, sige. Oo, na." sagot ko nalang.
Wala na kong magagawa pa.
"Love you, Deans. See you later, bye!" At tinapos na n'ya ang tawag.
Pumara ako ng jeep at sumakay. Umupo ako sa dulo, sa likod ng driver.
Pagkatapos kong magbayad ng pamasahe, sumandal ako sa bintana ng jeep. Napabuntong hininga ako.
It's been what? 5 years?
Handa na ba ako ulit makita s'ya?
Handa na ba ako ulit akong masaktan?
5 years na ang nakalipas pero ano? Hindi parin ako okay?
Hindi parin ako maka move on?
S'ya parin yung pinapangarap ko.
Habang s'ya natutupad na yung mga pangarap nyang hindi ako kasama.
Tumingala ako may gustong kumawala sa mga mata ko.
Yung mga traydor kong luha na hanggang ngayon ayaw parin maubos kapag naaalala ko s'ya.
Syete!
Kailan ba ko makakalaya sa sakit nang nakaraan ko?
Please! Ayoko na nito.
Ayoko na nang pakiramdam na 'to.
"Miss, paabot naman po ng bayad."
Biglang naputol ang pag eemot ko sa sinabi ng ale habang pinapaabot sakin yung bayad n'ya.
Inabot ko naman.
"Manong bayad daw po."
Abot ko rin sa driver at kinuha naman n'ya agad.
Bumuntong hininga ako, sa sobrang upset ko. Muntik pa kong lumagpas sa bababaan ko.
"Manong para po, dito nalang ako!" Malakas kong sabi.
Pagkababa ko palang, parang gusto ko na ulit sumakay pabalik sa jeep.
Pero nakaalis na.
Haysss! Isang malalim na buntong hininga na maman ang pinakawalan ko.
Tutuloy pa ba ako?
Isang hakbang.
Dalawang hakbang.
Tatlong hakbang.
Ayoko na. Babalik na ko. Hindi ako nababagay sa kainan na 'yan.
Hahakbang na ko patalikod nang may tumawag sakin.
"Deans!!!" Sigaw n'ya habang patakbong lumalapit sa kinaroroonan ko.
Napakamot nalang ako sa kilay ko at nginitian s'ya.
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?