Chapter 8

3.8K 143 11
                                    





Nililibot ko ang paningin ko sa buong bahay nila vice,  nasa sala nila ako. Maliit lang 'to, pero maganda at malinis.

Malambot din ang sofa nila, ang dami din nilang furniture.

Samantala sa bahay namin puro upuan lang ang makikita mo.

May tv din sila at dvd player parang kila kuya Luigi.

Sa gilid ko, nandun ang kapatid na babae ni vice, nanonood ng spongebob. Madalas rin naming panoorin ang cartoons na 'yan.

Napa ayos ako ng upo sa paglabas ni vice sa kwarto n'ya.

Naka maiksing short lang ito at t-shirt na habit sa katawan.

Alam ko, 14 palang si vice. Pero bakit parang matured na yung katawan nya? Sobrang sexy, eh.

Samantalang ako, 17 na. Parang nene parin ang katawan ko. Wala manlang kurba, siguro kasi sobrang payat ko. Tapos puros maluluwag na t-shirt at jersey short pa ang laging suot ko. Pinaglumaan pa ni kuya Luigi.

"Baka mapasukan ng langaw 'yang bibig mo, hahaha. Sara mo." Untag sakin ni vice, umupo s'ya katabi ko.

Syet, nakanganga pala ako!

Napaderetso tuloy ako ng upo. Nakakahiya!

"Ate, magbantay ka raw sa tindahan." Sabi ng kapatid ni vice.

"Bakit hindi ikaw? Gagawa pa kami ng assignment ni Deanna," sagot n'ya.

"Eh, di. Dun kayo gumawa ng assignment."

Tinignan ng masama ni vice ang kapatid n'ya.

"Ano ba 'yan, Jema? Mafe? Nag aaway na naman kayo sa harapan pa ng bisita mo Jema!!!" Bulyaw ng babaeng lumabas galing sa isa pang kwarto.

"Eh, mama. Gagawa kami ng klasmate ko ng assignment, eh." Maktol ni vice, "si Deanna nga po pala, ma!" Introduced n'ya sakin.

"Good afternoon, po!" Bati ko. Napatayo pa ko.

"Good afternoon din, Dina!" Bati din sakin ng mama ni vice.

"Mama, Deanna po!" Pagtatama ni vice, napangiti ako.

"Oo, nga!! Dina nga!!" sabi ulit ng mama n'ya. Natawa ako ng mahina.

Sanay naman akong iba ang pagkakabigkas ng pangalan ko, lalo na kung hindi nila alam ang spelling nito.

Umiling nalang si vice, hinila ako papuntang tindahan nila. May sari-sari store sila.

Pagkarating namin roon, umupo kami parehas sa sofa, malambot din katulad ng nasa sala.

"Ahm, vice! Wala naman tayong assignment, ah?"

"Dahilan ko lang yun, hahaha." Sabi n'ya habang kumukuha ng libro sa ilalim ng mesa.

Nailing nalang ako at nangiti!

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon