Chapter 32

3.9K 137 23
                                    

After christmas break heto pasukan na naman

Grabe ganun na pala kabilis simula nung huling pag-uusap naman ni jema

Nakahabol din naman ako sa top nung 2nd quarter but top 6 nalang

Kaya si asungot na nagtop 1 top 4 na si jema at top 5 na si ced

Pero pagdating nang 3rd quarter tulad nang inaasahan ko tataas lahat ng grade ng mga kaklase ko dahil sumama sila sa feild trip at ako hindi

Top 1 parin si asungot top top 2 na si jema top 4 si ced at ako top 6 parin

Kahit binigay ko na lahat ng effort ko dahil narin sa pangako ko kay jema pero nakakahatak talaga ang hindi mo pagsali at pagsama sa mga school activities

Pero ok naman na sakin grumaduate ng may honor

Saka malayo pa naman makakahabol pa naman siguro ako

As per jema naman nagtitinginan nalang kami sa malayo

Tinutupad ko promise ko sakanya kaya ito umaasa ako na tutupad rin sya sa pangako nya

"Kaya pala sabi mo alaalahin ko na minsan kasama kita kumain dito kasi huli na pala talaga yon" bulong ko sa sarili ko

Nandito ako sa favorite place ko ngayon kumakain

Lagi ko rin yon sinasabi pag-nandito ako

"Sabi na nandito ka eh" lumingon ako

Si tots

"Musta? Pati kami iniiwasan mo ah?" May himig tampo sa boses nya

"Eto kinakaya pa, saka ayoko lang kayo idamay sa problema ko baka nandun si vice sa tambayan bawal kami magkita kahit magkaklase kami"ngumiti ako ng mapait

"Hindi rin naman namin sya nakakasama hatid sundo ata yon nung pinalit nya sayo" nailing ako

"Hindi naman sila, wag kayong naniniwala sa tsismiss" sabi ko

"Balitang balita na yon eh, pinagyayabang pa nga yon ni sandoval narinig ko kinukwento nya sa kaklase namin" tumingin naman ako sakanya

"Imposible bawal pang magboyfriend si jema! Kaya nga hindi nya sinagot si cy eh! Bawal sya makipag relasyon kaya nga nakipag-hiwalay sya sakin" tumango nalang sya

"Kung ganun nagdeday dreaming lang si sandoval" sabi ni tots

"Malakas loob nya kasi boto sakanya papa ni vice" yumuko ako

Lalaki si sandoval may kaya ang pamilya, matalino masama lang ugali pero higit sa lahat boto ang papa ni jema sakanya

Talong-talo talaga ako

"Magiging ayos din ang lahat" tap sa balikat ko ni tots

Tumayo na kami at pumasok na sa school

Naghiwalay kami nung malapit na kami sa room namin

Pagpasok ko yong dalawang tao ayoko makita ang naiwan sa room

Lumingon naman sila sakin pagpasok ko nakagawa kasi ako ng ingay

Agad na umiwas ng tingin sakin si jema ningisihan naman ako ni asungot

Kaya hindi nawawala ang tsismiss lagi kasi silang magkasama eh

Umupo nalang ako sa upuan ko at usual na ginagawa ko humihiga sa desk ko habang walang titser

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon