Nakatingin na silang lahat sakin sabi kasi ni tots ako na daw magpaliwanag
Pinunasan ko muna ang luha netong katabi ko
Wala pa nga umiiyak na agad
"Binigyan kasi ako ng scholarship ng kumpanya, kaya mag-aaral ako sa thailand for being loyal for almost 5 years sa kumpanya nila" panimula ko
"Bakit hindi nalang dito bakit sa ibang bansa pa?" Tumingin naman ako sa katabi ko
"Kasi may kapalit yong scholarship na yon" tinitigan ko lang si jema
"Kailangan nya ilead yong itatayong branch ng kumpanya sa thailand kapalit ng scholarship" sabi ni tots
Tumango naman silang lahat maliban kay jema na nakatingin lang sakin
"Saka hindi lang basta-basta service crew si deanna sya pinaka mataas sakanila" sabi naman ni jaycel
"Kauna-unahang babaeng kitchen leader ng bansa" si ced naman yon
"Kaya nga sobrang laki ng tiwala sakanya ng kumpanya kaya sya ang ipapadala sa thailand para pangunahan ang bagong team dun" sabi ulit ni tots
"Vice" umiwas sya sakin ng tingin
"Ngayon nalang ulit tayo nagkita! ang tagal nating hinintay to? Tapos ako naman iiwan mo? Sobrang layo pa?" Pinunasan nya ulit ang luhang umaagos sa pisngi nya
Natahimik naman silang lahat
"Heto na yong pagkakataon ko para matupad ko na yong mga pinangako ko sayo yong pagkakataon ko para abutin na yong mga pangarap ko 2 years lang vice babalik din ako agad" tumingi sya sakin ng deretso
"Dito ka nalang please? Pagtulungan nalang natin pag-aralin ang sarili mo" bumuntong hininga ako
"Hindi lang sarili ko nakasalalay sakin dito! Si peter, si josh si ava ,mga ate ko! Lahat sila nakapatong sa balikat ko lahat sila umaasa sakin lahat sila responsibilidad ko! Heto na yong opportunity na mabibigyan ko sila ng maginhawang buhay! Heto na yong mga pinangako ko kay nanay at tatay, hinding hindi ko na to sasayangin" yumuko sya
Hinawakan ko magkabila nyang pisngi
"2 years lang vice babalik din ako agad please?" Tumulo narin ang luha ko
Sobrang hirap na neto sakin ngayon nung nakaraan, sobrang excited na ko makaalis at abutin ang mga pangarap ko
Pero ngayon nandito na sya umiiyak sa harapan ko hindi ko na alam gagawin ko
Ayoko na din umalis gusto ko nalang din sya makasama ulit
Pero paano pamilya ko?
Paano mga pangarap ko para sa pamilya ko?
Magpapakaselfish ba ko?
Dahil nandito na sa harapan ko yong matagal at kaisa-isa kong pangarap?
Hindi na sya nagsalita niyakap nya lang ako at umiyak ng umiyak sa balikat ko
Nagpaalam narin silang lahat at hinayaan na kaming mag-usap ng sarili lang namin
"Sasama ka pa ba sa bahay?" Tanong ko sakanya
Umalis sya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako ng deretso
"Miss ko na si peter" sabi nya
"So sasama ka nga sakin?" Tumango sya
Tumayo na kami at magkahawak kamay kami na lumabas ng resto
Pumara ako ng jeep sa dulo kami umupo para maiwas ko sya sa mga dumidikit sakanya
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?