"Ma'am saan po dito yung II-guava?" Tanong ko sa isang babae nasalubong ko.
Tingin ko guro s'ya dahil sa kanyang suot.
"Doon din ako papunta sabay kana sakin," sagot n'ya sakin.
Tumango nalang ako at sumunod sakanya.
"Nandito na tayo tawagin mo na yung kakauspin mo at mag istrart na ko ng klase." Sabi n'ya nang huminto kami sa klase n'ya.
"Dito rin po ang klase ko, late enrollies po ako." Sagot kong kumamot sa kilay ko.
Tumango sya at pumasok sa classroom.
"Good morning class!" Bungad n'ya sa buong klase.
"Good morning Mrs. Reyes!" Bati din ng buong klase.
Nakatayo lang ako sa tabi ng pinto.
"Ok. Class, we have a new student here." Sabi ni ma'am at tinuro ako.
"Come here, introduce yourself." Utos n'ya sakin.
Pumunta naman ako sa tabi nya sa may gitna ng black board.
"Ahmmm," napakamot ako sa batok ko.
Tinignan ko muna si ma'am, nakangiti s'ya at tumango para sinasabi n'yang "tuloy mo lang!"
Humarap ulit ako sa klase nakatitig lang sila sakin, yung iba nakangiti.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"I'm Deanna Wong. D'yan lang ako nakatira sa kabilang kanto." Sabi ko habang tinuturo pa yung kabilang kantong sinabi ko.
Lumingon din sila sa tinuro ko kaya napangiti ako.
Pagkasabi ko nun umupo ako agad sa unahan kasi dun lang yung walang nakaupo.
"Ahm. Wong, bukas kailangan nakauniform ka na ah?" Sabi ni ma'am sakin.
Naka pantalon kasi ako at t-shirt, kaya siguro kanina napagkamalan n'ya ko na may susunduin lang.
"Ma'am wala pa po kasi akong uniform, eh." Sagot ko sakanya.
"Yung uniform mo muna sa dati mong school kahit yung palda lang."
Tumango nalang ako.
Nagstart at natapos ang klase na tahimik lang ako.
Malamang wala naman akong katabi dito.
"Ok. Class, wala si ma'am cruz kaya hintayin nyo nalang next teacher n'yo." Sabi ni ma'am.
At nagsigawan ang mga kaklase ko.
"Tahimik! Mga officer kayo ng bahala dito habang wala pa susunod nyong teacher." sabi nya ulit at nagpaalam na.
"Opo, ma'am!" Sagot nung mga officers.
Pagkalabas palang ng titser namin, naging concert ang buong class room.
Nagsisigawan sila.
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanficMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?