Chapter 13

3.3K 118 5
                                    

Tawa kami nang tawa ni josh kasama si peter sa pinapanood namin kila kuya luigi

Doreamon yong palabas

Ganto na kami simula nung bakasyon wala naman kami magawa e kaya nood lang kami maghapon

"Oh deanna kumain na kayo dito" aya ni tita yong kapatid ng tatay ko

Half chinese din napangasawa nya, yong papa ni kuya luigi

Hindi naman sila mayaman pero maginhawa naman buhay nila, malaki bahay nila kumpleto gamit sa bahay tapos madami din silang furniture tulad kela jema

Higit sa lahat sa private nag-aaral si kuya luigi

Ang alam ko isang manager si tito sa isang car shop

"Sa bahay nalang po tita nagluto rin po kasi si ate e" sabi ko

Tumayo na ko at inaya na si josh at peter para umuwi

Nakakahiya naman nanonood kami tapos kumakaen sila

"Deanna basketball tayo mamaya?" Aya sakin ni kuya luigi bago kami lumabas tumango lang ako

"Sachi naman dapat dun nalang tayo kumain itlog lang naman ulam natin" maktol ni josh

"Charap naman itlog wah?" Sabi naman ni peter

"Buti pa si peter marunong makuntento kung anong meron tayo" singhal ko kay josh

Padabog syang pumasok sa bahay sinundan lang namin sya

"Ate nagluto ka na?" Tanong ko pagpasok ko nang bahay

"Oo pakainin mo na si peter" sabi nya

Pinaghandaan ko naman si peter ng kanin at itlog na ulam namin ganun din ako

"Hindi ka pa ba mag-eenroll?" Tanong ni ate

Umiling ako habang sumusubo

"Baka sa june na ate wala pa naman pera si nanay e"

"E baka sa lower section ka naman mailagay nyan" sabi nyang binuhat si ava

"Ok lang mas prefered ko yon kesa sa star section"

"Pero hindi ka mabibigyan ng scholarship kung hindi ka sa star section"

"Makakapag college ba ako ate? Saka 2 years pa naman yon"

"Pagkaya ni nanay baka magcollege ka at malaking tulong kung makakakuha ka nang scholarship"

"Malayo pa yon ate saka ko na iisipin" pinagpatuloy ko na pagkain ko

"Hay naku deanna! Kamusta pala jowa mo? Mukhang dalawang linggo ng hindi na pumupunta?" napaisip din ako sa tanong nya

"Hindi ko alam baka busy lang" kibit balikat kong sagot

"Saan naman magiging busy yon eh bakasyon?"

"Hayaan mo sya ate susulpot din yon" sabi ko nalang

Pumunta naman ate ko sa kwarto papatulugin siguro si ava walang asawa ate ko tinakbuhan sya nung nakabuntis sakanya

Pagkatapos ko kumain pumunta na ko kela kuya luigi kasi magbabasketball daw kami may mini court kasi sila sa likod bahay nila

"Kuya gi hanggang ngayon hindi mo parin sinasagot tanong ko kung bakit ako kiniss ni jema bago sya umalis" sabi ko bago itira yong bola sa ring

"Syempre hindi ko naman alam yong sagot di ba? kasi sabi mo wala syang gusto sayo baka goodbye kiss lang yon kasi magbabakasyon sya" hinagis naman nya sakin yong bola

Nasa maynila daw si jema ngayon sinama daw ng papa nya sinabi lang sakin ni jaycel nung dinalaw nila ako ni fhen last month

"Saka bakit mo ba iniisip yong crush mo di ba may jowa kana?" Sya naman yong tumira nang bola

"Hindi na nga yon pumupunta" sabay hagis sakanya nang bola

"Bakit namiss mo?" Umiling ako

Tumawa naman sya

Eh sa hindi ko sya namimiss eh kasi lagi ko naman sya nakakasama ngayong two weeks lang hindi

Kung may na mimiss ako? Si jema yon

"Kuya gi di ba may facebook ka?" Tumango sya

"Add mo kaya si jema"

"Sige tapos liligawan ko" nagningning pa mata nya

"Sira ulo!!!!!!" Binato ko naman sya nang bola kaya tawa sya ng tawa

Nag one on one nalang kami boring yong bekan eh

Nung natapos na kami naligo na ko at bumalik na ko kela kuya luigi para icheck facebook nya at ni jema

Nasa maynila nga sya kasama papa nya may mga lugar syang inaupload na mukha masaya talaga sya, meron din parang perya

"Haha starcity yan" tawang tawa si kuya luigi kasi sinabi ko nga na perya

"Jan pumupunta pag nagfifield trip yong school" tumango lang ako hindi pa naman ako nakakasama kahit isang beses sa fieldtrip

Meron pa isa tinanong ko na sakanya baka mapahiya na naman ako

"Enchanted kingdom to tapos eto naman manila zoo" sabi nya habang iniisa isa yong picture ni jema

Buti pa si jema hindi boring ang bakasyon nya

Pati si jaycel at fhen may mga post din na mga pinuntahan nila

Si pongs naman ang tinignan namin

Kaya pala hindi sya pumupunta kasi nasa bakasyon din sila ngayon ng pamilya nya

Pero bakit hindi sya nagpaalam?

Parang bigla akong nainis alam ko kasi pag inrelationship kayo dapat alam nyo nangyayari sa isa't isa di ba?

"Deans tignan mo to" may tinuro sya na picture ni pongs na may kasamang lalaki magkadikit sila

Tapos yong sumunod nakayakap na yong lalaki sakanya

And then yong pangatlo nakakiss na sa pisngi nya

"Kaya pala hindi ka pinupuntahan busy e" palatak ni kuya luigi

Tinignan nya yong mga comment puro bagay kayo lang nakalagay

May commeny din si jema na "seriously pongs?"May angry emoji pa

Si jaycel naman "anong kalokohan to?" ang comment nya

Hindi ko namalayan tumulo na luha ko aaminin ko napamahal narin naman sakin si ponggay e

"Umiiyak yong pinsan ko ngayon sa saya" nabasa kong comment ni kuya with a sad emoji

"Kuya burahin mo yan" diin kong sabi sakanya

"Hayaan mo sya mangloloko pala yan e" gigil na sabi nya

Bigla nalang nawala yong mga picture ni pongs

"Kita mo guilty? Binura nya na" sumuntok pa si kuya sa hangin

"Yaan mo na kuya! Uuwi na ko" sabay punas nang luha ko baka kasi makita ni ate e

Pagdating ko sa bahay humiga ako sa upuan naming kawayan nilagay ko ang braso ko sa mga mata ko

"Ok lang yan" sabi ko sa sarili ko

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon