Chapter 18

3.7K 140 6
                                    

"Deans di ba chinese kayo? Bakit...."

"Hindi naman lahat ng chinese mayaman" putol ko sa sasabihin nya

Nakahiga ako ngayon sa kama nya sa kwarto nya habang sya naka indian sit  katabi ko

First time ko lang pumasok dito ayaw nya kasi lumabas naiinis na naman daw sya sa kapatid nya

Girly yong design ng kwarto nya puro pikachu pa pati cover ng kama nya at mga unan nya

"E bakit yong tita mo?" Tanong nya humiga na sya sa tyan ko

"Hindi naman mayaman sila tita may kaya lang katulad nyo" sabi ko habang nirarub ang buhok nya

"Ok! Pero bakit mas maginhawa ang pamilya ng tita mo kesa sa inyo" umupo muna ako kaya umupo narin sya

Huminga muna ako ng malalim

"Pinabayaan kasi ng grandparents ko si tatay nung nabuntis nya nanay ko bawal kasi yon sa tradisyon ng mga chinese kailangan chinese din ang pamangasawa mo" tumango naman sya

"Dahil hindi natapos ni nanay at tatay ang high school heto lang naging buhay namin dagdag mo pa may sakit sa puso si tatay" hinawakan naman nya kamay ko

"Paano kayo napunta sa tita mo? kung tinakwil ang tatay mo ng pamilya nya?" Tanong nya

"Nung wala na kami mauwian si tita nalang tanging tumanggap kay tatay" sabi ko

"Alam mo kayo lang kilala kong chinese na tumatawag sa parents nila na nanay at tatay" nangiti ako

"Syempre mahirap lang naman kami e yon kasi gusto ni nanay" tumango nalang ulit sya

"Ano bang trabaho ng papa mo sa maynila?" Ako naman ang nagtanong

"Principal" tipid na sagot nya

Napanga-nga nalang ako may kaya talaga sila pero bakit sa public sya nag-aaral?

Tatanungin ko na sana kaso tinawag sya ng mama nya at iniwan ako sa kwarto nya

Humiga nalang ako ulit mas malambot pa kama ni vice kesa kay kuya luigi

Pumikit ako medjo bumigat talukap ng mata ko

Naalimpungatan ako nang may nakasiksik sa leeg ko

Nagulat pa ko kaso naalala ko na nasa kwarto nga pala ni jema

Napatitig nalang ako sa babaeng katabi ko

Hinaplos ko pisngi nya at unti-unti kong nilalapit mukha ko sakanya hanggang naramdaman ko nalang nakalapat na ang labi ko sa labi nya

First kiss ko to hindi ako marunong humalik kaya nakalapat lang talaga labi ko sakanya

Tinulak nya ko siguro nagulat sya, umupo sya at hawak ang labi nyang nakatingin lang sakin

"So-sorry" utal kong sabi at umupo na rin

Yumuko lang ako kasi hindi sya umimik

"Deans gabi na" tumingin ako sakanya

Pinapauwi na nya ko galit na siguro sya sakin baka iwasan na naman nya

"Sorry jema nadala lang talaga ako pa-promise hindi na mauulit yon wag mo san......." naramdaman ko nalang ulit ang labi nya sa labi ko

Napaderetso ako ng upo

"Ang daldal mo naman hahaha" natulala lang ako sakanya

Tumayo na sya at hinila ako palabas ng kwarto nya

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon