Final Chapter

9.3K 262 89
                                    

Dito pala sa store nalaman ni sir jess kung saan ako nakatira

Nagwawala daw sya kaya wala na silang choice kundi sabihin kung saan ang bahay ko

Ang tanong lang is kung saan nya nalaman na dito ako nag tatrabaho

Pero hindi na yon mahalaga wala rin naman magbabago

Dahil wala narin naman ngayon sa tabi ko si jema

Last day ko narin ngayon dito sa store dahil sa makalawa ay flight ko na

"Ma'am deanna mamimiss ka namin" sabi ni sir jb isa sa mga manager namin

"Mamimiss ko rin po kayo sir" ngiti ko sakanya

"Ma'am deanna ingat ka dun ah?" Niyakap naman ako ni ysa

"Yieeeeh" tili ng mga kacrew ko

"Opo naman ma'am ysa mag-iingat ako" pinat ko buhok nya

Off ni tots ngayon kaya wala sya maaga kasi ako pinag-out, para maayos ko pa mga gamit ko

Pumasok lang naman ako dahil pinagbilin ko dun sa papalit sakin lahat ng dapat nyang gawin

"Ma'am deanna" lumingon ako sa RM namin or regional manager naming si ate jia

"Alagaan mo sa sarili mo dun ah? Mamimiss kita deans" sabay yakap sakin

"Mas mimiss kita ma'am jia wag ka na po mag-alala sakin strong ako alam mo naman yon, walang hindi kakayanin nito" turo ko sa biceps ko

Ginulo nya buhok ko

"May gusto palang magpaalam sayo" ngiti nya sakin sabay may nginuso

"Baby crush iiwan mo na ko" patakbo pumunta sakin si ate madz

Niyakap ko sya

"2 years lang naman babalik din ako agad" sabi ko sakanya

"Tyak big time ka na pagbalik mo" nailing ako

"Mag-aaral lang ako dun paano magiging bigtime? Saka yong sweldo ko dun kulang pa tyak sa mga gastusin ko dun, scholarship lang naman ang libre no? Paano mga project ko? Kaya malabo yang pinag-sasabi mong bigtime bigtime na yan nakapag abroad lang yayaman agad?" Natatawa kong sabi

"Ang dami mo naman sinabi" sabay pisil sa magkabila kong pisngi

"Tara nandun na ang barkada sa bahay mo" kumunot naman ang noo ko

"Despedida mo ngayon" sabi nya ulit

"Sunod nalang kami ni ma'am ysa si sir jb naman ang night shift eh" sabi naman ni ate jia

Nagpaalam narin kami ni ate madz sakanila at pumunta na ng bahay

Pagdating namin dun nasa labas sila ate bei ang kumpleto tropa nila

"Baby deans" sabay sabay nilang tawag sakin

Nilapitan ko sila at isa isang niyakap medjo matagal narin huli ko silang nakita pero medjo natatandaan ko pa naman silang lahat

Pagpasok ko naman sa bahay nasa loob naman ang buong tropa ko

"Sinadya mo talaga mag pa off ngayon ano?" Natatawa kong tanong kay tots

"Syempre mawawala ba ako sa despedida ng bestfriend ko?" Sabi naman nya

"Hoy ako bestfriend nyan" singit naman ni fhen

Natawa nalang ako sakanila

"Kung makaangkin kayo malamang ako bestfriend nyan" gigil nasabi ni jaycel sakanila

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon