Naglalakad ako sa hall way ng school namin, lunch na at sa wakas, nakatakas ako kay Pongs.
Namimiss ko naring kumain sa likod ng school sa may malaking puno.
"Deanna Wong." Nasalubong ko si Mitch Cobb, kasama barkada n'ya.
Nginitian ko lang si Cobb, nilagpasan ito, derederetso lang sa paglalakad.
"Wait!" Hinawakan ni Cobb ang braso ko, napahinto ako at tumingin sakanya. "I heard, marunong ka raw mag gitara?"
"Hmmmm." Tumango ako.
"Kailangan kasi namin ng gitarista para sa project namin. Yung classmate kasi naming marunong, may group na. Wala namang marunong samin, kaya walang choice kundi manghanap sa iba. Sabi naman ni Ma'am, pwedeng humirap sa ibang section or sa ibang year."
"Bakit ako?" Tanong ko.
Ngumiti si Mitch, ang cute ng ngiti. Maputing babae si Mitch, kung titignan mo s'ya para s'yang amerikana. May lahi ata 'to. Maliit s'yang babae, hanggang tenga ko nga lang, eh. Medyo chubby pero sexy. Parang si Jema, teka!
"Ikaw lang kasi kilala kong naggigitara, eh." Hindi ako naniniwala.
"Wala kasi akong gitara, eh." Palusot ko sabay kamot ng kilay ko.
Ayokong dalhin yung gitara ko, luma na at pangit pa.
"Ang dami namang dahilan," sabi ng isa sa barkada ni Mitch. Tinignan s'ya ng masama nito.
"Hindi mo na kailangan problemahin ang gitara, ako bahala. Basta pumayag ka lang ah? Please!" Wow. Ang cute talaga ni Mitch, nagpuppy eyes pa s'ya sakin. Makakatanggi pa ba ko?
"Okay." Nakangiting sabi ko.
"Ihhhh. Thank you!" Lalo akong napangiti, para s'yang bata. Ginalaw galaw pa nya ang nakahawak kong kamay sakanya. Ang saya saya n'yang tignan.
"So, tara na?" Teka, ngayon na agad?
"Wait lang. Hindi pa ko kumakain, eh"
"Dun ka nalang kumain sa room namin." Oh, no!
"Ano kasi. Ahm, ano. Pwedeng mamaya hapon nalang?" Utal kong sabi.
"Okay. Basta mamaya ah? Hihintayin kita sa room namin. Thank you, Wong. See you, later." Kumindat pa sakin si Mitch, kumaway s'ya tapos umalis na sila ng barakada n'ya.
Pakiramdam ko, kanina pa may mga matang nakamasid sakin?
Lumingon ako sa kaliwa ng hall way, nakita ko si Pongs, nanglilisik ang mata, sakin ba s'ya nakatingin? Oh, inirapan pa ko. Problema n'ya?
Bakit pati si Jema masama rin ang tingin sakin? Bakit ang talim din ng tiingin n'ya sakin? Bakit parehas silang nakabusangot ni Pongs? Parehas hindi maipinta ang mukha nila.
"Woooh. Magkakalove life na si Wongskie." Lumingon ako sa kanan ng hall way kung saan nanggaling ang boses.
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?