Chapter 16

3.6K 143 16
                                    

Hinihintay ko si jema ngayon sa labas ng room nila nauna kasi kami idismiss ng titser namin

Nangiti ako ng nagsilabas na mga kaklase nya nagiging giraffe tuloy ako kakatanaw kung lumabas narin sya

Lahat ng ngiti ko nawala nang makita ko sya kasama yong top 1 nilang lalaki

Pinagmasdan ko lang syang nilagpasan ako hindi ba nya ko nakita? Sa tangkad kong to?

"Awts" napatingin nalang ako sa babaeng nakaupo na sahig

"Bakit ka ba nakaharang sa daan" sigaw nya sakin

Inaabot ko yong kamay ko sakanya pero tinignan nya lang at tumayo sya mag-isa

"Sorry po" yumuko ako

"Stupid" sabay irap sakin at bangga ng balikat ko bago umalis

Nakayuko parin ako nang nawala na talaga sya sa harap ko

"Ok ka lang?" Inangat ko mukha ko

"Ano ba kasi ginagawa mo dito?" Sabay hawak sa kamay ko

"Hinihintay ka, andun na sila jaycel sa tambayan" walang gana kong sagot sakanya

"Hindi ako pwede ngayon may project kaming gagawin" tumango lang ako

Lumapit naman yong lalaking kasama nya kanina

"Ah jessica matagal pa ba yan?" Tanong nya kay jema

"Sige na deans mauna na kami ah?" Tumango nalang ulit ako

"Bawi nalang ako bukas sabay tayo maglunch" habol na sabi nya bago lumakad palayo

Ilang araw na rin syang hindi sumasabay samin mag lunch

"Bagay talaga si jessica saka jerome no?"

"Parehas pang matalino"

"Naman"

Mga bulong-bulangan sa paligid ko nakatingin din sila kay jema at dun sa lalaking kasama nya habang papalayo ang mga ito samin

Yumuko nalang ako hindi ko alam nararamdaman ko parang ang bigat ng dibdid ko

Gantong-ganto yong naramdaman ko nung may something pa si jema at cy

Humugot ako ng malalim na hininga

"Ayoko na neto" bulong ko sa sarili ko

----------------------

Ilang linggo pa lumipas umiiwas na naman ako kay jema

Nakakaramdam na naman kasi ako ng selos kahit wala naman akong karapatan

Actually hindi ko rin naman pala kailangan umiwas kasi hindi ko rin naman sya halos nakikita

"Deanna tumatawag nanay mo" abot sakin ni kuya luigi ng cellphone nya

Sakanya kasi tumatawag si nanay pagkailangan

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon