"Deans," tawag sakin ni cyrus.
Tinignan ko s'ya.
"Tulungan mo ko, galit sakin si Jessica." Sabi n'ya nung nakalapit s'ya sakin.
"Bakit ano bang ginawa mo?" Tanong ko.
"Nakita n'ya ko, kayakap si Erika," sabay kamot sa ulo n'ya.
LQ? I guess!
Two weeks na rin s'yang nangliligaw kay vice.
"Bakit ka naman kasi nakikipag yakapan?"
"Hindi ko alam yayakapin ako ni erika deans," sabi n'yang nagpapadyak pa.
"Ang pogi mo kasi," biro ko sabay tawa.
"Hindi nakakatawa," sabi ni Cyrus sabay irap sakin.
"Eh ano ba maitutulong ko? Wala naman akong alam d'yan."
"Hindi ko rin alam," sumimangot s'ya.
"Hahaha, pasok kasi kayo ng pasok sa ganyan. Ang babata pa natin Cy, masyado n'yo naman siniseryoso."
Parang s'ya, hindi n'ya siniryoso? Eh, iniyakan mo nga?
Ewan!
"Teenager na tayo, hindi na tayo bata! Sige, na kasi. Tulungan mo na ako," maktol n'ya.
Kumamot ako sa kilay ko, ano bang gagawin ko sa isang 'to? Kainis, eh!
"Nasa court ata sila ngayon. Puntahan natin?" Tanong ko kay Cyrus.
Intrams kasi namin ngayon at alam ko maglalaro si vice ng volleyball.
"Kelan ka ba nya nakita nakayakap kay Erika?" Tanong ko kay Cyrus habang naglalakad kami papuntang court ng school namin.
"Si Erika ang yumakap sakin no?" Depensa n'ya. Basketball player nga 'to!
"Oo, na. Si erika na! Eh, kailan nga kasi," tanong ko ulit.
"Kanina lang. Tapos hindi ko na s'ya nakita."
Tumango ako.
Nakarating kami sa court, nakita namin s'ya kasama si Pauline at Jaycel.
"Hey, Wong." Tawag sakin ni emnas.
Tinignan ko s'ya, "basketball tayo? Wala ka pang sport na sinasalihan di ba?" Tanong n'ya. Tumango ako.
"Hoy, Emnas. Sa volleyball sasali si Deanna no," lumingon kami kay Pauline.
Nakalapit na pala sila samin.
Napansin ko namang umiwas si vice kay Cyrus, todo kalabit naman sakin si kumag.
Tinignan ko s'ya ng masama.
"Samin s'ya. Hindi naman marunong magvolleyball si Deanna," sagot ni Emnas.
Wala sana akong sasalihan kung hindi lang required at kailangan.
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?