"Ayoko na, Deans." Maktol ni Cy.
"Suko ka na agad?"
"Suko agad? Magtatatlong buwan na kong nangliligaw. Wala parin progress."
Umiling nalang ako.
"Cy, bata pa si Jema. Malamang hindi pa 'yon handa."
Oo. Jema narin ang tawag namin sakanya. Pero vice ang tawag ko sakanya kapag kausap ko s'ya.
Nag uusap lang kami kapag tungkol sa school or mga assignment or project, basta may kinalaman sa eskwela.
Alam ko nagtataka na 'yun, eh. Paano ba naman s'ya lang sa barkada ang hindi ko kinukulit o hinaharot.
"Tingin ko, hindi 'yon ang dahilan, Deans." Sabi ni Cy, tapos umupo s'ya sa tabi ko.
Nandito kami sa tambayan. Wala pa yung mga girls, kaya malakas ang loob magdrama ni kumag.
"Ano ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Hindi n'ya ko sinasagot kasi hindi pa s'ya sure kung gusto n'ya talaga ako."
Napa-iling nalang ako. Ang kulit, eh! Malamang bata pa nga kasi si Jema, magulo pa utak nun.
"Gusto ka nun, hindi palang talaga s'ya ready."
"Oo. Gusto n'ya nga ako. Pero may iba din s'yang gusto. Kaya hindi n'ya ko sinasagot." Umiling-iling pa si Cy.
Wait. May iba daw gusto si Jema?
"Sino?" Tanong ko.
"Si Panaga, nagagalingan daw sya maggitara dun, eh." Napahilamos pa s'ya ng mukha.
Si Panaga? Yung babaeng mukhang lalaki? 4th year high school na 'yon ah?
Wait? May crush si Jema na babae? Ibig sabihin may pag-asa pa ko?
Napangiti ako sa naiisip ko.
"Anong ningingiti ngiti mo d'yan?" Untag sakin ni Cy.
Umiling ako.
"Baka naman kasi nagagalingan lang s'yang maggitara at wala ibig sabihin yun," napatango din ako sa sinabi ko.
"Narinig ko syang kinukwento yun kay Jaycel at sinabi nga n'yang crush nya 'yon."
"Eh, tsismoso ka pala, eh. Hahaha!"
Sinamaan n'ya ko ng tingin.
"So, ang balak mo, titigil ka nalang dahil may crush syang iba at babae pa?" Tanong ko.
"Hindi ko alam," kamot ulong sagot n'ya.
"Bahala ka nga d'yan, ang babaw lang ng dahilan mo." Sabi ko at iniwan ko na s'ya. Kailangan ko naring umuwi.
Napapa isip din ako kung totoong may crush si vice na babae din.
Pero mukha naman lalaki si Panaga!
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?