Chapter 35

4.1K 160 21
                                    

Feeling ko first day of school ulit after halos 2 weeks ngayon nalang ulit ako papasok

Maaga ako pumasok ngayon para makahiram ng mga notes para makahabal sa lahat ng namiss kong lecture

Para hindi ako mangapa sa final exam alam ko hindi na ko makakahabol sa top dahil sa mga naliban kong araw

Hindi na importante kong may top man o wala basta makagraduate lang ako! Ok na ko dun!

Pagpasok ng silid aralan namin syet sila na naman ang unang nandito

Yong mga taong gusto mo sana huli mong makikita

Nakatingin sila sakin pero umiwas din agad si jema

"Condolence wong" tinanguan ko lang si sandoval

Tumalikod ako at balak ng lumabas at mamaya nalang pumasok

Nasalubong ko si jiminez na papasok naman sa loob

Nginitian nya ko pagkalagpas nya hinawakan ko braso nya nilingon naman nya ko agad

"Ysa pwede ba akong makahiram ng notes? Mamayang break and lunch?" Tanong ko sakanya

"Pero nagvolunter na si galanza na gumawa ng notes mo, nagtanong kasi si ma'am kung sino pwede gumawa nang notes mo, sabi nya sya nalang kaya tanungin mo nalang sya baka meron ka na!" Tumingin naman ako kay jema nakatingin din sila samin

"Hindi ko kailangan yon! Mas gusto ko gumawa ng sarili kong notes!" nakita ko ang pagkagat labi nya

Nakatingin lang kasi ako sakanya habang sinasabi ko iyon!

"Galanza ginawa mo ba si deanna?" Tumango naman si jema

"Hindi ko nga kailangan yon!!!" Medjo tumaas ang boses ko, nagulat naman si ysa

"Kung ayaw mo ko pahiramin sige ok lang" sabay talikod sakanya

Hinawakan naman nya agad ang kamay ko para pigilan

"Sige! Pero wag mo iuuwi ah? Nagrereview din kasi ako" tumango ako

"Salamat kung hindi ko man matapos mamaya bukas nalang ulit" binitawan nya na ang kamay ko

Nakayuko na si jema sa desk nya kinakausap naman sya ni sandoval

After two subject break na kaya, pinuntahan ko na si ysa at hiniram notes nya

Nagsusulat na ko nang may lumapit sakin hindi ko sya tinitignan pero may long yellow paper akong napansin

Nilapag nya yon sa desk ko tiningala ko sya

"Hindi ko sabi kailangan yan!" nakatingin lang sya sakin

Tatalikod na sana sya nang pinigilan ko sya sa braso nya inabot ko ulit ang yellow paper sakanya

"Paki dala mo yong kalat mo" gumuhit ang kirot sa mga mata nya

"Deans" lumingon kami sa dumungaw sa pinto

"Sabay tayo maglunch mamaya ah" pumasok na sya at inaabot na ang isang bisquit at softdrinks

"Hindi ako kakain marami akong gagawin" sabi ko sakanya

"Tutulungan na kita" umiling ako sakanya

"Kaya ko na pongs" tanggi ko

Tumingin naman sya kay jema

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon