Chapter 14

3.3K 128 12
                                    

First day of school

Yooh 3rd year na ko hahaha naglalakad ako sa hall way namin nakasalubong ko si fhen at jaycel

"Deans" sabay akap sakin ni jaycel

"Musta brad" tapik naman ni fhen sa balikat ko

"Eto cute parin hahaha namiss ko kayo ah?" Sabi ko sakanila

"Namiss ka rin namin! So anong section ka?" Tanong ni jaycel

"Section 2 late na ko nagpaenroll e" ngiti ko sakanila

"Yon oh magkakaklase parin tayo" si fhen

"Pinuntahan ka namin ni jema nung nag-enroll kami pero wala ka" sabi ni jaycel nung naglalakad na kami

"Kelan ba yon?" Tanong ko

"May 25 ata yon" sagot nya

"Ah sumama kami ni josh kay kuya luigi nilibre nya kami maglaro sa arcade sa mall hehehe" sumimangot naman sya

"Inuna mo pa magmall kesa mag-enroll section 2 ka tuloy" kinurot ko pisngi nya

"Aray!!" Reklamo nya

"Hahaha gusto ko talaga kayo maging kaklase kaya ganun"

"Sweet talaga ng tatay ko" sabay pisil din sa pisngi ko

"Jema" excited na bati ni fhen kaya lumingon din kami kay jema

Ghad bakit lalo na naman syang gumanda?

Parang gusto kong tumakbo palapit sakanya at yakapin sya

Naalala ko tuloy huling kita namin nung niyakap nya ko at hinalikan sa pisngi

Parang nag-iinit mukha ko

"Namumula ka naman" nasa harap ko na pala sya at nakangiti

"Ah eh hi!" ngiti ko rin sakanya nauutal pa ko syet ,habang kumakamot ako sa kilay ko

Nailing naman sya

"Yiiiieeeeh sweet ng parents ko" singit ni jaycel samin sinamaan sya ng tingin ni fhen

"Anong section ka?" Tanong jema

"Section 2" kumunot noo nya

"Paano ka makakakuha ng scholarship kung section 2 ka?" Para sinabi ni ate yan ah?

"Malayo pa naman" sagot ko inirapan nya ko

"Deans tinatignan yong grade mo ng 3rd year ka pagscholar ka hindi inu'onor ang lower section kahit pa mag star section ka next year" sermon nya sakin

"Inuna nya kasi magmall kesa sumama satin mag-enroll" sumbong ni jaycel kaya pinanglakihan ko sya ng mata

Sinamaan ako ng tingin ni jema at tumalikod paalis

Hinawakan ko sya sa braso para pigilan lumingon naman syang nakakunot ang noo

"Galit ka?" Tanong ko

"Bakit may karapatan ba akong magalit" sabay haltak ng kamay nya at lumakad palayo

Napakamot nalang ulit ako sa kilay ko

"Wow LQ agad first day of school? Hahaha" sinamaan ko naman nang tingin si jaycel

Pahamak e

"Bakit lovers ba sila? Para sabihin mong LQ?" Singhal ni fhen sakanya

"Hopefully kaya manahimik ka na jan" sabay hila kay fhen sinundan ko lang sila

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon