Halos isang buwan na nakakalipas at tulad nga ng pinag-usapan namin ni vice halos isang buwan narin kaming hindi nagpapansinanAng hirap pero pinipilit kong kayanin para sakanya
Sa isang buwan din na nasa top section ako na notice ko na madaldal lang pala sa discussion si asungot
Kahit wala kwenta yong sinasabi nya sinasagot parin nya
Ako kasi wala akong paki-alam sa discussion na yan nakikinig lang ako mas mahalaga sakin yong graded recitation at mga test at quizes
Pero kapag tinatanong naman ang during discussion sumasagot ako
Kaya napapanga-nga sila sakin normal naman sakin na hinahangaan ako lalo na sa lower section pero kung sa top section parang hindi ako sanay
Nagtop section din naman ako noon nung grade 1 hanggang grade 4 pero yong mga sumunod na lagi nang 3rd at 2nd section kasi laging late magpaenroll
Kaya ngayon lang talaga ako nakaranas ng top section na hinahangaan ako
"Ok class bumuo kayo ng grupo na may limang membro at magbibigay ako ng irereport nyo starting monday, so ayon lang class dismiss" sabi ni ma'am torres titser namin sa Araling Panlipunan
Heto pinaka ayoko sa top section eh puro project assignment at reporting
Nilalagay ko na yong notebook ko sa bag ko nang may lumapit sakin
"May kagrupo ka na?" Tumingala ako sakanya
Si ysa
"Maghahanap palang ako" sabi ko
"Kami nalang! dalawa na kami, bali dalawa nalang hahanapin natin" sabi nya ulit
Tumingin ako sa kasama nya, ito din yong kagrupo nila asungot at vice eh!
"Di ba kay sandoval kayo nakagrupo?" Si asungot yon
"Ayaw na namin dun lagi nalang si galanza priority nya eh" tumango nalang ako
Naiinis ako sa sinabi nya eh
Dumako ang tingin ko kay asungot at vice magkausap na naman sila, mukhang sila na naman ang magkagrupo
"Wala akong place na pwede ioffer sainyo maliit lang bahay namin pangit pa" sabi ko na sinukbit ang bag ko
"Ok lang yon noh pare-parehas lang naman tayong anak ng mahihirap wala kaso samin yon" sabi nya
"Ok! Sige ,kayo nalang bahala maghanap ng iba pa nating kagrupo saka effort lang kaya ko ibigay wala akong maiaambag na financial sainyo" napanga-nga naman sila
"Ok sayo na ang utak samin na ang panggastos" ngiti nya
Yan tayo eh madalas yong ibang nasa top section nadadala lang ng ibang matatalino
Hindi ko naman sinasabing matalino ako pero hindi ako umaasa sa iba
Tumango nalang ako at lumabas na ng room namin
Ilang araw at linggo pa lumipas after ng successfull na first reporting ko with ysa naka gained ako ng tiwala ng mga kaklase ko at mga titser ko
Sa sobrang busy ko nakalimutan ko na dumaan na pala birthday ko
Pero hindi ko na pinansin yon mas nagfucos ako sa pag-aaral ko
Nagseself-study ako pag uwi ko dumideretso agad ako kela kuya luigi para magsearch sa net nya at basahin mga libro nya
At habang nangyayari ang lahat ng yon may dalawang tao parang nakatingin sakin ng masama
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?